Chapter 21

11.7K 236 7
                                    

Chapter 21

Nasa kotse na kami at ihahatid na niya ako at nakikita ko ang malawak niyang ngiti na abot tenga kaya napangiti na rin ako.

"your happy? " napatingin siya sakin.

"ofcourse i am happy" at hinalikan niya ang kamay ko na hawak niya. 

Nang makarating kami samin,  pinapasok ko muna siya.

"Good evening mommy,  daddy,"  bati ko saka ko hinalikan si mommy at daddy sa pesnge pero napatingin sakin si daddy ulo hanggang paa at napatingin siya kay phinnaeus.

"what have you done? " medyo galit na sabi ni daddy.

"daddy mali po iniisip niyo,  nabasa po ako kaya pinahiram ako ni phinnaeus nang damit daddy" napahinga sila nang malalim ni daddy.

"buti naman kung ganun dahil maxine anak,  alam nang diyos na kinasal muna kami nang mommy mo bago ako kumilos kaya ikaw? " tinuro ni daddy si phinnaeus na medyo naiilang pa ito dahil sa bagong itsura nito.

"bago mo angkinin ang anak ko,  pataposin mo siyang mag aral at higit sa lahat pakasalan mo" tumangong ngumiti si phinnaeus.

"actually im here too to ask your permission" napatingin kami kay phinnaeus

"anong ibig mong sabihin? " takang tanong ni mommy kaya umupo kami sa sala,  uupo sana ako sa tabi ni phinnaeus nang hinigit ako ni daddy at pinaupo sa isahang sofa,  tumingin muna sakin si phinnaeus.

"Maxine can i talk to your parents alone? " napakunot noo ako saka tinignan sila mommy at daddy kaya tumayo nalang ako at pumasok sa kwarto ko.

Phinnaeus Point of view

Hinintay ko si maxine na makapasok sa kwarto niya saka ako ngumiti sa mommy at daddy niya.

"Gusto ko pong hingin ang pabor na maging girlfriend ko si Maxine,  nililigawan ko po siya" napatingin sila sakin.

"teka lang phinnaeus gusto ko sanang itanong bakit ka nagpagupit? medyo napapansin ko ring wala ka nang hikaw sa ilong at tenga mo" ngumiti ako sa tanong nang mommy ni maxine.

"Dahil po sinabi ko sa sarili ko pag nakahanap ako nang babaeng seseryosohin ko babaguhin ko ang sarili ko para kanya,  alam na po yun ni Maxine medyo nagalit po siya sa ginawa ko,  pero seryoso po ako sa anak niyo,  alam ko pong hindi kayo maniniwala sakin dahil na rin siguro nakikita niyo ako noon na may iba't ibang kasamang babae,  pero simula po nang makilala ko si maxine di ko na po maintindihan ang sarili ko,  ginawa ko naman po ang lahat para po iwasan si maxine pero po kasi kahit anong layo ko nasasaktan lang ako,  kaya sana po bigyan niyo ako nang bindisyon niyo" agad akong lumuhod sa harap nila at tinignan nila ako.

"na maging nobyo ako nang anak niyo,  gagawin ko pa lahat nang gusto niyo" napatango tango ang ama ni maxine.

"papayag ako na maging girlfriend mo si Maxine kung ipapangako mo saking hindi mo sasaktan ang anak ko,  kung mahal ka ni maxine ibig sabihin nun mamahalin ka rin namin bilang isang pamilya at mahal niya,  pag nalaman kong niloko mo ang anak ko,  kahit pilitin mong kunin ulit sakin ang anak ko hindi mo na siya pa makukuha pa,  dahil ngayung ipagkatiwala ko siya sayo,  alam mong nagtiwala na ako sayo,  kaya sana wag mong sirain yun" napangiti ako at sobrang saya ko.

"Mamahalin ko po si maxine at hindi ko po siya lulukuhin,  sobrang saya ko po ngayun" agad akong napatayo at bahagyang napayuko at niyakap sila.

"salamat po sa pagtitiwala sakin" niyakap din nila ako.

"salamat sa pagmamahal mo sa anak namin" humiwalay na ako sa yakap at di ko maintindihan bakit ako naiiyak kaya natawa akong pinunasan yun.

"inihatid ko lang po si maxine kaya magpapaalam na po ako sa kanya" tumango sila kaya umakyat na ako saka kumatok sa kwarto ni maxine.

The Soulmate (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon