Chapter 60

10.2K 205 2
                                    

Chapter 60

Nakauwi kami nang pinas at naninibago ako sa klima.

"MAXINE" bigla akong napatalon nang may lalaking yumakap sakin na boses babae pero ewan di ko alam.

"Ang sama mo, iniwan mo ako dito di mo alam kung gaano ako nabaliw nang umalis ka, nung wala ka nalungkot ako sobra" umiiyak niyang sabi kaya napatingin ako kay Phinnaeus at ngumiti lang siya, sila kuya ay napailing iling na may ngiti sa labi at sila mommy at daddy ay nakangiti lang, humiwalay ito sa yakap kaya nakita ko ang maamo nitong mukha, babae pala siya hindi lalake.

"Feng walang maalala si Maxine kaya pagpasensyahan mo na" paliwanag Phinnaeus.

"ano? kinalimutan niya ako? " umiiyak nitong sabi.

"infact tayong lahat" singit ni kuya macky.

"pero bakit kayo kilala niya? " takang tanong niya na nakatingin kay phinnaeus pero ngumiti lang sila.

"teka sino ka? " tanong ko sakanya kaya napatingin siya sakin.

"ako to bestfriend mo si feng, kababata mo ako" umiiyak niyang sabi kaya napangiti ako.

"ganun ba? pasensya ka na ha,  wala kasi akong maalala,  pero gaya nga nang sabi ni phinnaeus gawa nalang tayo nang panibagong friendship natin" bigla siyang napahagulhul at niyakap ako nang husto.

"bad ka talaga,  alam mo ba naging successful ako dahil sa tulong nang daddy mo" niyakap ko nalang din siya.

"ikwekwento ko sayo ang mga ginagawa natin noon at kung paano mo bihagin ang puso nang baby p mo" nagulat ako sa sinabi niya kaya natawa siya.

"di ka pa rin pala nag babago,  sabihin na nating nabura kami dyan sa munti mong motor functions na sinasabi mo sakin noon,  alam kong nararamdaman mong di kami nalalayo sa pagmamahal mo samin" ngumiti nalang ako sa kanya. 

"tara na" sabi ni daddy kaya naglakad na kami papuntang van nang tumigil si Phinnaeus at hinarap ako.

"baby sama ka nalang muna sa mommy at daddy mo,  kailangan ko lang bisitahin ang hospital,  i promise babalik agad ako sayo" tumango ako sa kanya saka siya nag paalam kina mommy at daddy.

"see you later" nakangiti niyang paalam at hinalikan ako sa labi saka siya tumakbo.

"nako!  di nagbabago pda parin kayo" napatingin ako kay feng.

"ganun kami noon? " natawa siya sakin at tumango.

"hmmm nung nasaksihan ko noon kulang nalang buldusen kayo para ipaghiwalay yang labi niyo" natawa ako sa kanya.

"hmmm mukha ikaw ang nakakaalam sa mga sekreto ko ahh" mas lalo siyang natawa.

"aba sympre!  im your bestfriend talagang ako ang nakakaalam sa baho mo" napailing iling nalang ako sa kanya.

"Sakay na!  sa bahay na kayo mag kwentuhan" singit ni kuya mackintosh kaya natawa kami at sumakay na. 

Nakarating kami sa bahay at nasa kwarto na ako, 

"ito ang kwarto mo noon,  habang nasa franklin kayo ako ang nag alaga sa bahay niyo at sympre di ko pinabayaan ang kwarto mo" kwento ni feng sakin pero nakatingin lang ako sa mga litrato sa dingding,  mga litrato namin ni phinnaeus at sobrang dami nun,  pero may malaking picture ni Phinnaeus na mahaba ang buhok niya naka topless siya at sobrang gwapo niya,  lumapit ako sa mga pictures nang higitin ako ni feng.

"ito yung ninakawan mo siya nang halik" natatawa niyang sabi ni feng kaya napatitig ako doon sa tinuro niya,  sa pictures gulat na gulat si phinnaeus at ako nakangiti na nakapikit at nakikitang ako talaga ang humalik sa kanya dahil nakanguso pa ako at si P ay hindi,  totally shocked siya sa pictures.

"Gusto mo na siya noong Grade 8 palang tayo,  15 years old ka palang habang yung baby p mo,  doctor na!  kwento mo sakin noon nung Grade 8 ka yun ang una mo siyang nakita na love at first sight ka sa kanya saka may key chain din siyang binigay sayo nung nag medical mission sila sa school natin,  faith word na keychain ang ibinigay niya sayo at doon ka nagsimulang habulin siya" kwento ni feng kaya napangiti ako dahil naaaliw ako sa mga litrato namin ni phinnaeus,  lalo na nung nasa beach kami ang saya namin tignan at marami kaming kiss pictures.

"anong klase bang lalaki si baby p noon? " tanong ko kay feng at umupo sa kama ko at kinuha ang picture frame na nakangiti kaming dalawa.

"well alam mo noon na babaero siya,  marami siyang babae at wala siyang girlfriend dahil paiba iba ang babae niya pero ikaw ginagawa mo ang lahat para di matuloy yun" napangiti ako.

"ginawa ko yun? " tumango siya na may ngiti sa labi.

"Oo meron pa ngang denelete mo yung mga number nang babae niya" natawa ako sa kwento niya,  maraming kinuwento sakin si feng at napapangiti ako lalo na nung plano daw naming dalawa na kumagat si Phinnaeus at doon daw nagsimula nag love story namin ni Phinnaeus dahil sa plano na yun pero kalaunan daw ay nalaman ni phinnaeus nagalit daw saka naghiwalay kami pero inataki daw ako sa puso at doon daw napatunayan na mahal ako ni phinnaeus at nagsimula daw ulit kami hanggang daw sa malaman ko yung first love ni phinnaeus.

Maraming kinuwento sakin ni feng hanggang sa dahilan daw na 4 years and 8 months daw na wala kaming contact ni Phinnaeus dahil daw sa nangyari sakin at nag therapy.  Nagalit daw sakin si Phinnaeus dahil sa di na daw ako nagparamdam.

dahil sa kwento ni Feng parang napaisip ako na nasaktan ko si phinnaeus nang sobra noon.

"ito siya nung na coma ka at na paralyzed" ibinigay niya sakin ang magazine kaya tinanggap ko.

"Nag stay siya sa africa nung akala niyang iniwan mo siya,  kaya nga nagtaka ako bakit pumunta siya nang africa kung nasa hospital ka pero kinuwento sakin nang mommy mo kaya nalaman ko na matagal na pala kayong walang contact." napatango ako sa kanya at hinaplos ang picture namin.

"ganun pala ang nangyari kaya pala todo hingi siya nang sorry sakin at iyak siya nang iyak" malungkot kong sabi.

"mahal ka ni Phinnaeus,  Sobra ka niyang mahal" napangiti ako.

"nararamdaman ko naman yun,  di mo maipagkakaila na mahal na mahal niya ako,  nararamdaman ko yun" ngumiti si feng at niyakap ako.

"masaya akong bumalik ka,  magagawa na nating kumain nang pinagbabawal sayo noon" natawa kaming pareho at niyakap din siya.

To be continue.....

TheMirrorPrincess

The Soulmate (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon