Chapter 102

9.4K 161 3
                                    

Chapter 102 Warning SPG+

Maxine

Nababagot ako,  alam niyo yung pumapasok ka pero wala kasa mood dahil di mo nanakikita yung taong mahal mo.

"Hey congratulations" napalingon ako at si killian pala ito,  akala ko magkasing edad kami nito pero hindi pala mas matanda pala to sakin. One time tinanong ko siya kung ilang taon na siya at sinagot niya ako nang nakakalokong sagot,  2500 years old na daw siya,  sino niloloko niya diba?  Tawa siya nang tawa kaya di ko siya nun pinansin.

"Alam mo? At pano? " ngumiti siya saka itinaas ang kamay ko kaya napangiti ako at umupo naman siya sa tabi ko at binigyan niya ako ice cream na nasa baso at di ko alam bakit di ko napansin yun kanina,  minsan talaga mukha siyang mag mamagic sa harap ko dahil may lilitaw nalang kahit ano sa kamay niya.  Takang taka ako pero tinatawanan nila lang ako.

"Kailan kasal? " tanong niya sakin.

"Next week" napatango naman siya habang kumakain nang ice cream.

"Gusto mo bang maglibang muna bago ka man lang matali sa lalaking yun? " tinignan ko siya nang masama.

"Haha come on" humarap siya sakin kaya nagtaka ako nang lagyan niya nang ice cream ang ilong kaya tinignan ko siya nang masama.

"Ang sama mo" agad kong kinuha ang kamay niya at ito ang pinunas ko sa ilong ko nang bahagya niyang itinakip yun sa mga mata ko.

"Maxine sabi nila you need some experience" napakunot noo ako saka ako nagulat nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko,  boung bou yung halik niya saka siya humiwalay at hindi ako makapagsalita.

"Haha sorry" sabay takbo niya palayo sakin pero bigla akong kinabahan di ako makapagsalita kaya agad kong kinuha ang mineral water ko at hinugasan ang labi ko.

"Nakakainis" bigla akong naiyak,  peste talagang lalaking yun,  nakakainis talaga siya. Napalingon ako sa paligid at buti nalang walang tao kundi patay ako kay phinnaeus nito,  magagalit nanaman yun sakin,  masisira ang engagement namin kung malalaman niya to.

Tumayo agad ako at umalis sa lugar na yun.  Kung sana pwede kong tawagan si phinnaeus sinabi ko na sa kanya para mag sumbong pero kasi kinuha nila yung cellphone ko.  Habang naglalakad ako palabas nang gate ay nagtaka ako bakit nandun ang kotse ni phinnaeus at di ako nagkamali lumabas siya at kumaway kaya napangiti ako at tumakbo sa kanya saka siya niyakap nang mahigpit. Nang may lumapit samin si killian kaya bigla akong namutla.

"Pare gift ko sa engagement party niyo" tumingin sakin si killian at kinindatan ako,  agad kong kinuha ang box at ibinalik sa kanya.

"Di--di namin yan kailangan" natatakot kong sabi nang kinuha yun ni phinnaeus.

"Baby it's fine,  thanks bro" ngumiti naman si killian at umalis na sakay ang auto niya, 

"Let's go" pinagbuksan niya ako nang pintuan kaya sumunod nalang ako saka siya pumasok.

"Buti pinayagan kang makipagkita sakin" ngumiti siya sakin.

"My way babylove" sabay kindat niya sakin at agad siyang niyakap sa bewang at gusto kong mag sumbong sa ginawa ni killian kaso naduduwag ako.  Huminga ulit ako nang malalim.

"Baby p may sasabihin ako" tumingin siya sakin at hinalikan ako sa noo at balik ang tingin sa kalsada.

"Yes baby what? " nakangiti niyang sabi kaya napakagat labi ako...

"Kasi--an-ahmm" iniyakap niya ang isa niyang braso sa bewang ko at marahan niyang hinaplos haplos ito kaya mas lalo akong natatakot

"Tell me babylove" napapikit ako.

The Soulmate (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon