chapter 106

9.5K 159 12
                                    

Chapter 106

Maxine

Were now married but it doesn't mean we can do whatever we want as a married couple. Just like now! Phinnaeus shared his thoughts to me, gagamitin daw muna niya ang pagiging bampira niya para mahanap ang bumubulabog sa kanya bago kami gumawa nang baby. Malungkot sympre pero kailangan kong umintindi, kailangan niyang hanapin ang taong yun.

"Maxine?" Napalingon ako dahil narinig ko ang boses ni maximo.

"Max " masayang bungad ko at kumaway naman siya saka siya tumakbo palapit sakin.

"Kumusta ka? " tanong niya sakin kaso may pasa siya sa pesnge niya at may sugat pa ang labi niya kaya napakunot noo ako.

"Nakipag away ka ba? " ngumiti lang siya sakin.

"Wala to" sabi niya lang kaya di nalang ako nangulit sa kanya at ngumiti ako.

"Kasal na kami ni phinnaeus" masayang balita ko sa kanya sabay pakita nang daliri ko.

"Ganun ba? " mahina niyang sabi.

"Max hindi ka ba masaya para sakin?" Ngumiti lang ulit siya.

"Nga pala nasaan si phinnaeus? Saka bakit ang aga naman niyong kinasal? Saka di mo man lang ako inimvite?" Napangiti ako sa kanya.

"Sa judge kami kinasal kaya pasensya ka na ha, pero sa big wedding namin invited ka na" napangiti siya.

"Bakit may nangyari ba?" Tanong niya sakin pero di ako makasagot.

"Maxine? " tawag niya ulit sakin kaya ngumiti lang ako.

"May problima lang" marahan siyang tumango saka may humintong sasakyan sa tabi namin. Naghihintay kasi ako kay phinnaeus at isang linggo na rin ang nakaraan nang ikinasal kami. Hatid sundo niya kasi ako sa university kahit pa pagod na siya, dahil nag aaral pa siya ngayun at the same time naghahanap sa gusto siyang ipatumba, isang linggo na rin kasing hindi ito nagparamdam.

"Maximo kumusta" masayang bati ni phinnaeus sa kanya, di ko alam pero parang ang close na nilang dalawa.

"Okay lang" nakangiti niyang saad saka tumingin sakin si phinnaeus at binigyan ako nang halik sa noo.

"Nga pala maximo salamat sa pag tulong mo sakin" napakunot noo ako sa sinabi ni phinnaeus.

"Bakit baby p? " takang tanong ko at ngumiti lang siya saka ako pinapasok sa kotse niya wala naman akong magawa at parang nag paalam lang siya saka siya sumunod.

"Anong nangyari?" Takang tanong ko.

"Tinulungan niya lang ako, nasiraan kasi ako kanina" marahan nalang akong mapatango at tinignan siya. Yung vacation namin hindi natuloy dahil nga sa lalaking unknown na ito.

"Hows school? " tanong niya at hinawakan ang kamay ko saka niya ito himalikan.

"Okay naman" sagot ko nalang nang bigla kaming nagulat nang may pumutok at gumiwang giwang ang sasakyan, bigla akong kinabahan saka naman pilit e control ni phinnaeus ang sasakyan niya.

"Shit baby, hold on tight" napahinga ako nang malalim at di ko alam bakit nag blu-blur ang paningin ko at sobra akong kinakabahan, ang kabog nang puso ko lang ang naririnig ko.

Napatingin ako kay phinnaeus na parang sumisigaw pero wala akong marinig, naiiyak na ako sa kaba ko hanggang sa sinipa niya ang pintuan niya at tumingin siya sakin sabay haplos nang pesnge ko may sinasabi siya pero di ko marinig. Hanggang sa hinigit niya ako payakap saka siya tumalon kaya naiyak akong napadukmo sa dibdib niya hanggang sa narinig ko ang pag sabog at laki nang impact nun ay tuluyan akong nawala nang malay.

The Soulmate (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon