Chapter 74

9.8K 191 2
                                    

Chapter 74

Nakatayo lang si Phinnaeus na nakatingin sa sarili,  nanghihinayang siya pero ayaw niyang madamay si Maxine. Napabuntong hininga nanaman siya, 

"why your doing this?!" may himutok niyang tanong sa tito freed niya at tumawa ito na parang demonyo, nasa rooftop sila nang hospital nag uusap dahil pinatawag siya nito at dahil may galang naman siya sa mga matatanda ay pinuntahan niya ito,  kung hindi niya lang ito tito ay baka nabasagan na niya ang mukha nito pero natatakot siyang kung anong gawin nang isang karma kaya ayaw niyang pangunahan ito.

"alam mo phinnaeus madali lang akong kausap,  alam kong walang nakakaalam sa ginawa mo sa batang yun,  pinatay mo siya diba? " nakangiti nitong sabi at hindi siya sumagot,  ang akala kasi nito ay namatay si maxine dahil balita sa london na may nasagasan at namatay at yun ang akala nang lahat,  ang nakakaalam lang na buhay si maxine ay yung mga tumulong sa kanya nung araw na yun,  at pati narin si jacob.

"pag inilabas ko to media ano satingin mo ano ang mangyayari sa pamilya mo? sa mga magulang mo? ang anak nang isang fugo ay isang mamamatay tao" napangiti siya dito ayaw na niyang sagutin ito dahil sino ba ito para bigyan nang explanations.

"alam mo wala kang mapapala sakin" saka niya ito tinalikuran.

"ahh!  wala ba? nagawa kong nilagay sa bingit nang kamatayan ang daddy at kuya mo" bigla napatigil si phinnaeus sa paglalakad niya,  matagal na niyang alam ito pero wala silang ibedensya.

"or baka gawin ko yun sa girlfriend mo" mas lalo siyang nangitlag at napatingin dito.

"anong akala mo sakin maooto mo ako? sabihin na nating hindi naging successful ang paghihiwalay niyo dahil sa pictures na sinend ko sayo pero kaya ko siyang patayin" napaharap si phinnaeus sa tito niya at galit na galit siya at gusto niyang patayin ito sa suntok niya hanggang sa mabasag ang mukha nito,  napa palm fist siya pero nakangiti lang ito sa kanya.

"ano wala ba akong mapapala sayo? meron phin,  marami akong bala para sayo,  saka bata ka pa naman makaka ahon ka ulit,  ano bang ito lang namang hospital ang hinihingi ko di niyo pa maibigay,  mayaman naman kayo,  kahit ilang milyon ang kunin ko sa pamilya niyo di kayo mamumulubi" napapikit si phin at napahinga nang malalim at parang susuko na.

"ano bang gusto mo? " nasabi nalang niya,  pag dating kay maxine kaya niyang ibigay ang lahat.

"isa lang naman,  itong kinatatayuan natin,  ito lang" hindi na siya sumagot at tumalikod na rito.

Ang akala niyang ang hospital niya lang ang kukunin ay nagkakamali pala siya,  dahil ipapakulong pa siya dahil siya lang ang nakakaalam sa baho nito,  palaging pinapain nito si Maxine sa kanya ay ayaw niyang masaktan ni kahit katiting nang kuku ni Maxine,  iniingatan niya ito at walang katumbas ang pera o yaman niya sa pagmamahal niya kay Maxine.

"baby p" napalingon siya sa pinakamagandang babae sa mundo, ngumiti siya dito.

"ito ang suotin mo" napatingin siya sa hawak na tux nito na parang galing lang sa plancha.

"you iron it? " tanong niya at ngumiti ito.

"oo naman ito ang pinaka importanting event na mangyayari" masayang sabi nito at ayaw niyang mawala ang ngiti,  akala kasi nito mananalo siya,  nagsinumaling kasi siya dito,  sinabi niyang nakumbinsi niya ang mga board of members kahit ang totoo ay hindi dahil nalason nang tito freed niya ang utak nito.

"thank you baby" sabi nalang niya at tinanggap ang tux at binigyan niya nang halik sa noo.

"magluluto ako kaya pagkatapos mo,  punta ka kusina" ipinakita nito ang necktie niya.

The Soulmate (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon