Chapter 02

15.2K 318 9
                                    

Chapter 02

Maxine

"Maxine? " napalingon ako kay feng na may ngiti sa labi pero iba ang itsura nang mukha niya.

"bakit? " pagtataka kong tanong nang ibinigay niya sakin ang cellphone niya kaya tinggap ko naman,  it's  a picture of Phin and some girl na kulang nang damit,  bakit ba ang hilig niya sa mga babaeng nagtatabas nang damit,  may damit pang susu lang ang tinatabunan saka may skirt pang isang guhit nalang panty na.

"saan to? " medyo inis kong sabi.

"well sinundan ko sila,  narinig ko magkikita sila mamaya sa hotel" napahinga ako nang malalim.

" 7pm" napatango ako.

"well im here to crash that crap" nag dabog akong pumasok sa classroom at dahil wala ako sa mood ay pag may tinatawag si maam or si sir para sumagot ako ang tumatayo para sagutan yun sa blackboard,  at laging tama naman ako kaya nga nagiging masaya ang mga kaklase ko pag ganito ako wala sa mood.

"Max chil ka lang" bulong sakin ni feng, 

"eh kasi kailan ba siya titigil? " naiinis kong sabi at parang iiyak na talaga ako,  kaya dumukmo nalang ako sa table ko,  gusto kong maubos na ang oras para naman makapunta ako doon.

Nang mag lunch time wala ako sa mood kumain kaya agad akong lumabas nang pigilan ako nang guard.

"maam kabilin bilanan nang daddy mo na bawal kang palabasin pag class time"

"kuya naman eh!  uuwi lang ako samin naiwan ko kasi ang mga libro ko saka pinayagan ako ni daddy,  promise di ka tatanggalin nun dito" wala siyang magawa at pinalabas ako.

"iba talaga pag may share ano? " di ko nalang pinansin si feng at nagmamadaling pumunta sa hospital na yun.  Nang makarating ako doon ay nakita ko sa OR na si phin ang surgeon kaya dumiretso ako sa office ni phin,  sumilip silip ako kung may tao bang makakapansin.

"dalian mo ha" tumango ako.

"kakatok ako pag may tao" sabi ni feng kaya agad akong pumasok sa office at napangiti ako nang makita ko ang cellphone niya sa table,  at dahil may password kumuha ako nang tape saka yun inilagay sa phone niya saka agad rin naman hinila at tinapat sa may lamp at napangiti ako, ang easy kasi nang password niya,  098765 lang ang huling number lang pala kaya agad ko yung binuksan at tinignan ang mga message niya,  nag message ako sa mga babae niyang busy siya saka pagkatapos denelete ko ang mga numbers nang mga babae niya,  at dahil matapos ko nang e-reject ang mga babaeng yun ay nag reply sila pero denelete ko lahat yun saka ko tinignan ang gallery niya at shit ang gwapo niya may mga pictures siyang wacky at naka topless lang saka basa ang buhok.  kaya pinasa ko yun sakin,  at nang matapos ay ibinalik ko na yun sa table at nagmamadaling lumabas,  pasimple kaming sumandal sa pader. At nang may dumaan na nurse nagtanong ako.

"ate tapos na po ba ang operasyon? " umiiyak kong sabi.

"si Dr. P ba ang surgeon? " tumango akong malungkot.

"hindi pa natapos eh,  pumasok nalang kayo sa loob nang office ni doc at doon mag hintay" umiling iling ako sa kanya

"sa Labas nang OR nalang kami mag hihintay" sagot ko.

"oh sige" saka na ito umalis kaya hinigit ko na si feng sa gilid.

"ano successful best actress? " napakagat labi ako saka ko pinakita sa kanya ang selfie ni phin na nasa banyo at topless ito.

"Wow maxine akala ko ba iba ang gagawin mo bakit may picture ka? " ngumiti lang ako sa kanya saka ko nakita si phin na lumabas sa OR saka ang gwapo niya sa uniform niya yung kulay blue.

"ang gwapo talaga niya" bulong ni feng saka namin nakitang pumasok ito sa office nito.  Naghintay hintay kami at mga ilang minuto lang lumabas siya saka nagtanong sa nurse na dumaan.

"sino pumasok sa office ko? " tanong niya.

"wala po sir bakit? " hindi siya sumagot.

"are you okay? " napatingin ako sa gwapong lalaki din.

"kuya niya si Cohan" bulong ni feng.

"alam ko" bulong ko rin.  Nakaupo kami sa waiting area at katapat lang namin sila pero patay malisya kami.

"eh kasi kuya may gumalaw sa cellphone ko saka nawala lahat nang files" napatawa yung kuya niya.

"files kaya? " napakamot batok si phin.

"files daw sinumaling" bulong ko kaya natawa si feng.

"o sabihin mo mga number nang babae mo" natatawang sabi nang kuya niya.

"i supposed to meet my sexy damn hotbabes kuya" napailing iling ako. 

"Phinnaeus magbago ka na,  saka pwede ba tumigil ka dyan sa mga babae mo and one more thing sino naman ang gagalaw sa phone mo kung may pass,  remember pinahiram mo kay thea ang phone mo baka nadelete ni thea,  sorry bro" saka ito umalis na natatawa kaya success ang plano namin ni Feng.

"Maxine gayahin mo yung sa drama na balisa kang tumatakbo saka nabangga mo siya dali" natawa ako kay feng kaya tumakbo kami palabas,  binasa ni feng nang kunti ang buhok.

"yan magaling ka naman umarte ikaw kaya ang best actress sa film making natin" napangiti ako at sa itsura ko para akong nangingihangos sa pag takbo. Napatingin kami kay phin na nakayukong naglalakad,  nasa entrance ako nag hospital.

"go" nang sinabi niya yun agad akong tumakbo at nagsimulang umarte.

nang malapit na ako sa kanya umiiyak na ako at nang mabangga ako parang naging totoo ang drama ko dahil bigla akong nadulas parang nag slowmo ang lahat dahil hahawakan ko san ang braso niya nang ang hem nag cap niya ang nahigit ko kaya bumagsak ang mahaba niyang buhok at akala ko lalanding ako sa matigas na tiles pero maagap niya akong nayakap kaya napatitig ako sa mukha niya,  napunta sakin ang buhok niya na parang tumabon sa mukha namin.

Natulala ako dahil doon.

"tulong" bulong ko dahil sobrang lapit nang mukha niya sakin,  dahan dahan niya akong itinayo.

"are you okay?" napakunok akong nakatitig sa mukha niya.

"m--may hu-humahabol sakin" tangang sabi ko. Napatingin siya sa likuran ko saka niya tinggal ang pagkakayakap nang braso niya sakin at bigla akong na out-balance dahil sa sakit nang paa ko.

"oh shit" niyakap niya ulit ako.

"i think you sprain your ankle" pag aalalang sabi niya at bigla nalang niya akong kinarga.

Napatingin ako kay feng na kinikilig na nakatingin sakin.  alam kong vinivideohan niya kami,  ganyan kaming magkaibigan supportive sa isat isa. 

to be continue....

TheMirrorPrincess

The Soulmate (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon