Chapter 24

10.2K 177 4
                                    

Chapter 24

kanina pa ako napapabuntong hininga dahil sa mga sinabi ni phinnaeus kagabi.

"feng satingin mo ba kung hindi ako gumawa nang paraan para magkatagpo kami,  magkakatagpo talaga kami? " napatingin naman sakin si Feng.

"Hindi,  bakit? alam mo sa sarili mong hindi ka niya mapapansin kahit dumaan ka pa sa tabi niya" napatango tango ako.

"tama ka,  ako yung gumawa nang paraan kaya kami nandito ngayun,  kung hindi ka nag suggest na gawin yung planong magpanggap na may humahabol sakin saka yung pag lagay mo nang plastic sa sapatos ko at pag lagay nang tubig doon,  wala kami dito sana ngayun,  pero nalaman niya yun feng na plinano ko lahat,  sumuko na nga ako pero di ko alam bakit nabuhay ulit ako,  handa na ako nung mamatay pero binigyan niya nanaman ako nang chance,  pero" napahinga ulit ako nang malalim.

"pero nalaman mo na inlove pa si phinnaeus doon sa first love niya?" napatango ako.

"sabi pa nga niya kagabi kung hindi kami nag kita pag naghiwalay yung kuya niya at si Bethany handa niyang saluhin lahat para kay Bethany" napailing iling sakin si feng.

"Maxine,  isipin mo kasal na yung sister in-law niya sa kuya niya,  at isa pa may mga anak na yun at isa pa first love nga diba maxine? ganyan naman talaga pag first love masakit,  gaya sayo,  diba masakit? yang nararamdaman mo ngayun,  yan ang nararamdaman ni phinnaeus kay Bethany" napahinga nanaman ako nang malalim.

"Nagkakasakitan lang kami nito sa ginagawa namin,  anong gagawin ko? oo mahal niya ako mahal ko siya pero yung masasaktan siyang nakikita yung mahal niya sa ibang lalaki, nasasaktan din ako,  saka hindi naman kami destiny kasi ako gumawa nang sarili kong kwento,  saka sumasaya si phin pag kasama niya si Bethany "

"Maxine ilang ulit ko bang sasabihin sayo wala nang pag asa si phinnaeus doon bakit ba dinidikit mong ibigay si phinnaeus sa taong may asawa na,  saka sana noon paman kung mahal nung Bethany na yun si phinnaeus edi sana sila na,  baka kaibigan lang sila" napaiwas ako nang tingin sa kanya nang may biglang mag text sakin kaya binasa ko yun at naki basa na rin si feng.

Hello ate,  si drixity to nga pala diba lagi mo namang hinahatiran si kuya nang lunch box mo?  bakit di mo siya lutuan,  susunduin kita para sabay na tayo pumunta sa kanya may kailangan kasi akong ibigay kay kuya.

yana ng text na natanggap ko kay drixity kaya agad akong napatayo.

"Feng lunch daw nakalimutan kong mag luto" bigla akong nataranta.

"ano bang lagi mong dinadalang lunch sa baby p mo? "

"simple lang,  adobo" napangiti si feng.

"kaya mo yan ano bili tayo sa public market dahil mas makakatawad ka doon,  saka kasya ba pera mo dyan? " agad akong napahalungkat sa wallet ko at kinuha ang laman.

"500 okay na ba to? " ngumiti si feng sakin.

"okay na yan,  ganito gawin natin ako na bibili at ikaw ang makiusap sa canteen na makiluto,  papayagan ka naman agad siguro dahil may share naman kayo sa campus na to,  ano di mo ba kailangan ang pera na to?" umiling iling ako.

"lagi kasi akong nililibre ni phinnaeus this past few days kaya hindi ako nanghihingi nang baon kay daddy"

"oh sige,  alis na ako" napangiti ako sa kanya.

"salamat feng,  maaasahan ka talaga"

"ano ka ba,  kaibigan mo ako kaya talagang nandito ako para sayo" umalis na siya,  may motor si feng dahil medyo tomboy yun kaya kung maka advice sakin yan parang lalaki kaya nagmamadali akong tumakbo sa canteen at dahil busy sila at nagluluto din sila ay nakisingit ako,  napaso pa ako nang medyo matulak ako nung nagluluto pero hindi ko na yun pinansin.

"ate magluluto ako pwede? " napatigil siya sandali.

"ay maam kayo pala yan,  maam nasa sink po lahat nang kaldero wala po ngayun ang dishwasher namin" ngumiti ako sa kanya.

"ako na po bahala salamat po"

"walang anuman maam mabait ka po kasi,  doon nalang po kayo sa huling part na kalan dahil hindi matao" tumango ako saka naglagay nang apron para hugasan ang kalderong kakailangan ko.  Nakangiti ako the whole time at nang matapos ay wala akong makitang chansi kaya kutsara ang hinugasan ko kasi yun ang available.  Dumating rin naman agad si feng at tinulungan akong mag hiwa at mag marinate nung baboy na binili niya,  siya ang naghihiwa sa mga ilalagay na lamas habang ako ay maiging hinihiwa ang baboy nang masagi ang kamay ko kaya sinipsip ko yun at nagpatuloy nalang dahil kinakain rin ako nang oras,  susunduin rin ako ni drixity, nang maayos na lahat ay agad ko na yung niluto, 

"Maxine wala bang ibang sandok? mapapaso yang kamay mo pag kutsara ang gagamitin mo"

"wala ibang feng kaya ito nalang kaya ko to" habang nagluluto ako pinagpapawisan na rin ako at mainit sa kamay pero napangiti ako nang maluto na at lumalabas ang amoy nun.

"maam ang sarap niyan ah" sabi nung guard kaya ngumiti ako.

"bibigyan kita kuya ulam mo"

"nako maam salamat wala din akong ulam" natawa nalang ako at nang matapos ay handa na ang lunch box at may kanin na yun at inayos ko yun at binigyan rin si kuya, 

"Alis na ako" paalam ko kay feng at tumango siyang kumakain.

"ang sarap" pahabol niya kaya natawa ako saka ko inayos ang itsura ko at paglabas nang gate ay nandyan si drixity na kumakaway sakin kaya ngumiti ako.

"yan na ba? " nakangiti niyang tanong at tumango ako.

"let's go" pakikay niyang sabi at ang saya niya,  nagmamaniho siya ay nagsusuklay ako nang buhok gusto ko sanang magpabango nang matandaan kong sinabi ni phinnaeus na bawal muna sakin yun.  Kaya alam kong nangangamoy adobo ako pero okay lang.

Habang tumatagal ay napapakunot noo ako bakit iba ang tinatahak namin,  maige kong niyakap ang bag ko kung nasaan ang lunch box ni phinnaeus. 

"saan tayo pupunta? hindi to daan papuntang hospital" ngumiti lang siya sakin.

"shortcut lang ako" nakangiti niyang sabi kaya tumango ako sa kanya.

to be continue....

TheMirrorPrincess

The Soulmate (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon