Chapter 26

7 0 0
                                    

Princess Azara Aleyha Cunnigham

His father is looking for him.

Kung iisipin mong mabuti ay hindi ito tugma sa mga nangyari noon sa nakaraan na kinuwento ni Nicholas. The King threw Nicholas' mom that cost her life. At dahil din doon ay nabuo ang galit ng kanyang anak sa kanya, so by throwing away the mother, he threw his son too. Siya mismo ang nag layo sa kanyang anak mula sa kanya. Pero bakit niya ito pinapahanap ngayon?

It may be because he wants to reconcile or he's planning something—like crowning Nicholas as the next king.

Pero sabi nga nila ay may Crown Prince na. Hindi ko alam kung paano gagawin iyon ng hari pero malakas ang kutob kong ito ang plano niya. Considering how the Queen wants to eliminate him dahil kung ibibigay ng hari ang trono sa itinakdang prinsipe ay walang nang dapat pang kilos na gawin ang reyna. The Crown Prince is her son and if he sit on the throne, the power is on their hands.

Pero gumagalaw ang reyna at ang ibig sabihin non ay nababahala siya.

Maybe the King is really planning to give the throne to the other prince.

"Go back to the palace." putol ko sa kanya bago niya pa matapos ang pagsasalita niya.

Ito ang pinakamadaling at pinakaligtas na paraan. He don't need to sneak on the palace just to spy from afar when he's capable of knowing what the queen plans just behind her. Mas madaling kontrolin ang isang laro kung nasa loob ka nito.

"No!" Nagulat ako dahil bigla siyang sumigaw na kahit kailan ay hindi niya pa nagawa sa akin.

Nanliit ang mata ko.

"Did you just shout at me?" Kalmado ko siyang tinignan ng masama.

"I'm sorry." Bigla namang paghinahon nito kaya naman inayusan ko na din ang pagtingin sa kanya. "Pero hindi ako pwedeng pumasok ng palasyo."

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang kanyang nais. Bakit parang tutol na tutol siya?

"Paanong ang isang prinsipe ay hindi makakapasok sa palasyo?" tanong ko sa kanya. "You will go." dagdag ko na parang nag uutos.

"No! Hindi kita pwedeng iwan! Entering the palace means leaving you!"

Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Pinikit ko ng mariin ang aking mata upang kumalma. Binuksan ko ang aking mata at muli siyang hinarap.

"Stop acting so stupid, Nicholas Titus! Are you going to let this chance go for that petty reason?!"

"You're not a petty reason!"

Oh dear Almighty, help me. Isa nalang ay bibigay na ako pero hindi pwedeng palagpasin ito.

"Wait! Guys, wait!"

Napalingon kami sa nagsalita. I felt my face heat up when I realize we're not alone. Unang beses kong makipag away kay Nicholas ng may nanunuod at worst ay ganito pa ang pinag uusapan.

Nakangisi ang dalawang kaibigan ni Nicholas saamin kaya naman napaayos ako ng upo. Damn.

"Ayan na, Bro. Mukhang alam na nila ulit na nandito pa tayo." Malaki ang ngising saad ni Lach habang nakatingin saamin ng nakakaloko. Argh!

"She is right, Nicholas. Mas madali kung papasok ka sa palasyo." Croi said pero bakas pa din na natutuwa siya kahit seryoso niya iyong sinabi.

I can sense that Croi is a very capable man. Mukhang madami itong alam at ang mga lumalabas sa bibig niya ay pinag iisipan.

"Won't it blow me too soon?"

Napataas ang kilay ko noong sinabi niya iyon. Is he thinking that he'll be on cover or something? Ang tanging gagawin niya ay maging siya!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AscendWhere stories live. Discover now