Chapter 6

30 0 0
                                    

Princess Azara Aleyha Cunningham

"Leave me." Matigas kong utos noong makarating kami sa lugar kung saan nagsasanay ang mga kawal noon.

"Ngunit Mahal na Prinsesa-" pagdadalawang isip ni Miranda, ang aking tagapangalaga. Nilingon ko siya at mabilis niyang iniwas ang kanyang mga mata. Napabuntong hininga ako at naglakad papalapit sa kanya. Marahan kong tinapik ang braso niya.

"Sige na, ayos lang ako." Wika ko at agad naman siyang tumugon kasama ng iba.

"General Midwater, maiwan ka." Saad ko at pinanood kung paano siya natigilan sa paglalakad papaalis.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papalapit sa lugar sanayan.

"Mahal na Prinsesa."

Nilingon ko ang pinto at ng makita kong wala na sila at kaming dalawa nalang ang natitira ay naglakad ako papalapit sa gilid kung saan nakasalansan ang mga armas.

Hinaplos ko ang mga ito na parang isang batang sabik na sabik para sa kanyang bagong laruan.

"I've long for this." I said, almost a whisper.

Pinagmasdan ko siyang umabante at kumuha ng isang espada, sinuri niya iyon at inilahad saakin. I stared at the sword in his hand.

"I can't."

"You can't if you won't."

Unti unti kong tinaas ang kamay ko para tanggapin ang sandata. Nagawa kong hawakan ito at napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan itong mahulog saaking kamay.

I can't.

Pinulot niya ang nahulog na espada at muli itong tinapat sa aakin.

But I will.

Tinitigan ko ang armas na muli ay nasa kamay niya. A great desire of holding it flowed on my veins. Muli kong tinaas ang kamay ko ngunit bago ko pa iyon makuha ay nilayo niya ito saakin at muling binalik sa lagayan nito at tumalikod. My forehead creased. How dare this man to turn his back from this country's princess.

"What are you thinking?" Inis kong tanong sa kanya.

"Everytime you stand here in this battle ground, you're no princess and I'm no knight."

Muli siyang humarap saakin, nalaglag ang aking panga noong matapang niyang salubungin ang aking mga mata.

"I should not follow any rules for you. I should not bow to you. I'm not your protector, I will not be afraid of hurting you because again, you're no princess."

My forehead relax and watch him walk nearer than me without doing unnecessary movements. He just continue looking straight to my eyes.

"Pardon me but if I'm going to stand here as your knight, nothing will get better."

Ngumiti ako at tumango.

"Naiintindihan ko."

Marahan siyang tumango at naglakad papuntang gitna. Humakbang ako para sumunod sa kanya ngunit hindi pa ako nakakagawa ng isang hakbang muli ay hindi ko na mabuhat ang aking sarili. Kumunot ang noo ko at pilit na ginagalaw ang mga paa kong hindi tumutugon sa gusto ko.

Anong nangyayari? Sigurado akong hindi ako nanghihina ngayon! Wala akong nararamdamang panghihina pero wala rin akong maramdamang pagtugon mula sa aking mga bahagi ng katawan.

Lumingon ako kay General Midwater para magtanong at nakita kong nasa gitna na siya at mariin akong pinapanood.

"General Mid-"

AscendWhere stories live. Discover now