Chapter 8

16 0 0
                                    

Princess Azara Aleyha Cunningham

"Mahal na prinsesa."

Napalingon ako sa boses ni General Midwater na nakatayo ngayon sa tapat ng aking pinto.

Ngumiti ako sa kanya at lumayo sa bintana para makapaglakad papunta sa kanya.

"Sa tingin ko naman ay naayon ang aking mga nagagawa sa iyong kagustuhan?" Saad ko at yumuko siya saakin.

"Tama, dahil naisasagawa mo ito ng hindi ko inaasahan. Natutuwa din akong hindi na inaabot ng isang linggo ang iyong pag gising."

Nawala ang ngiti ko ang napangiwi. Sa totoo lang ay malaking pagbabago na yon mula sa higit na mahina kong katawan. Simula noong nag sanay ako ay naging madalas ang pagmamahinga ko na umaabot noon ng isang linggo. Malaking pagkakaiba na ngayon ay nasa tatlong araw nalang—ngunit alam kong hindi pa rin yon sapat.

"Mabilis na ang nagiging galaw ng kalaban, nagkukulang na tayo sa oras."

Malungkot akong ngumiti at pinagmasdan siyang maglakad patungo sa kinatatayuan ko kanina lamang. Naglakad naman ako patungo sa aking kama at doon naupo.

"Patawarin mo ako, Nicholas." Malungkot kong saad. Napalingon agad siya saakin na mayroong nagtatakang mukha. Hindi nakaligtas saaking mga mata ang wala sa loob niyang pagsalubong sa aking mga mata gamit ang kanya mga kayumangging mata.

"Para saan?" Tanong niya.

"You should be out there, fighting with them but you're stuck here with me."

"Dapat ko bang ikarangal na nakatanggap ako ng paumanhin mula sa isang prinsesa?" Tanong niya saakin.

Ngiti lang ang tangi kong sinagot sa kanya. Hindi ko masabing ilang ulit ko nang nabanggit ang mapagkumbabang salitang iyon mula sa aking pagkabata.

"No one's at fault here." He told me and walk closer to me. "Isa pa, nagagalak akong nakilala kita."

"What?"

"I'm glad to meet the former Lady Commander of the Royal Guards."

"Understatement."

"And why?"

Parehas kaming napangiti sa isa't isa. Umiling iling ako sa kanya.

"Dahil mahina na siya."

Nawala ang ngiti niya at siya naman ngayon ang umiling iling.

"This is the last time I'm suppose to hear that from you."

"Who are you to command me?!" inis kong tanong sa kanya.

"Your master."

I made a sound between a gasp and a laugh. I rolled my eyes and stand, cross my arms on my chest.

"I'm your princess and we're not on the battlefield." Saad ko at tinalikuran siya para lumabas.

Sumalubong saakin ang papalubog na araw pagkarating ko sa hardin.

It was amazing.

Naramdaman ko ang pagdating ng presensya niya sa likuran ko ngunit hindi ko siya nilingon

"It is possible for me to go out?" Tanong ko sa kanya.

"Do you want?"

Napalingon ako sa kanya na nasa tabi ko na, ngumiti ako ng malungkot at muling binalik sa aking unahan ang aking mga atensyon.

"Yeah, I always sneak at night. I never saw it with the sunlight again."

"Are you sure? Malapit na ring dumilim."

AscendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon