Chapter 14

12 0 0
                                    

His Majesty, King Marcus Cunningham II

Nakahinga ako ng maluwag noong bago pa sumikat muli ang araw ay naayos na ang kaguluhan sa Hushniere at Fiere.

Wala pa akong pahinga dahil sa hindi ko inaasahan ang magkasunod na atake sa magkaibang bahagi ng Cretia. The Lieutenant General is in Hushniere. Sumiklab ang takot kong mas malala ang mangyayari sa Fiere. It's a deception plan. Pinaniwala kami ng mga Necreli na Hushniere ang kanilang puntirya bago nila isinagawa ang totoong pag atake sa Fiere. The best knights was in Hushniere, and I can't just sit back and watch Fiere's downfall.

It was heart shattering the moment we reach Fiere. It was worst than what happened in  Amire. In my forty-five years of existence and twenty five years of being the King, this is the first time I experience this.

Fiere is soaked with the bloods of it's people.

"Your Majesty." Nakayuko siya hanggang sa makalagpas ako. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya saakin.

"Kumpleto na po ang Ministry of Elders. Habang ang mga duke at dukesa naman po ng Hushniere at Fiere ay narito na rin."

Napatigil ako.

"Ang Amire at Kashniere?"

"Nakatutok pa din sila sa pagsasaayos ng Amire ngunit pinadala ng duke ang kanyang anak upang dumalo at makinig. Hindi pa din po dumadating ang tagapamahala ng Kashniere."

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pinto ng Great Hall. Naghintay akong buksan niya ang pinto para sa akin.

"Pero Kamahalan..." nag aalangan niyang tinig. Napakunot naman ang noo ko. Ano nanaman ito?

"Galit po ang Mahal na Reyna..." hindi makatingin niyang sambit habang nakaharang pa rin sa malaking pinto.

"Ang reyna?" Kunot noo kong tanong.

"Nalaman niya po kanina ang gulo sa dalawang bayan na naging dahilan ng pag alis ninyo ng palasyo, nagalit po siyang narito ang mga tagapamahala ng mga bayan ng Hushniere at Fiere."

"Paanong narito?"

"Dito po sila nanuluyan—"

"Ng lingid sa kaalaman ko?"

"Your Majesty.."

"Move." Matigas kong utos na nakapagpataranta sa kanya. Mabilis siyang yumuko at pumunta saaking gilid.

"How dare you to disrespect the memory of the deceased Crown Princess like this!"

Napasinghap ako pagkabukas ko ng pinto noong maramdaman ko ang malakas na hangin kahit pa napapaligiran ang Great Hall ng matayog na mga pader. Mukhang ako pa ata ang nabigla.

"Queen!" Sigaw ko. Napalingon siya saakin gamit ang mababagsik niyang mga mata. Nawala ang malakas na hangin ngunit ramdam pa din ang lamig sa paligid, hindi rin nagbago ang intensidad ng kanyang mga mata.

Pakiramdam ko ay nabato ako sa aking kinatatayuan habang nakatanaw sa kanya at sa kanyang mga mata. Her gray eyes are full of danger.

"Your Majesty!" Kanya kanyang bati ang kanilang ginawa habang naglalakad ako papunta sa aking trono sa tabi ng reyna. Hindi pa din bumibitaw ang kanyang tingin saakin na parang hinihingi ang oras na ito para sa kanya.

Her eyes...

The tenderness in her eyes is gone. The intensity of her eyes makes me feel like I'm staring back to my daughter's eyes. Dangerous pair of orbs.

AscendWhere stories live. Discover now