Chapter 21

13 0 0
                                    

Azara Aleyha Cunningham

Halos maubusan na ako ng hininga dahil sa pakikipag duelo sa kanya ngunit siya at kalmado pa ding lumapit saakin at inilapag ang kanyang sandata saaking harapan bago siya umupo sa tabi ko.

Akala ko noong una ay ang magiging relasyon namin ay mayroong pagitan dahil sa kanyang katayuan at pagkatao ngunit mali ako. She's treating me like she's not a superior being. Though most of the time ay naiinis ako sa kanya dahil sa sobra niyang pagpapahirap saakin. Tingin niya yata ay magkapantay lang ang kakayahan namin na kung saan ay ang pinakamaling ideya na narito sa mundo.

I'm a human!

Paano ako makakalaban sa isang kalaban sa kanya na doble ang bilis at lakas? But then those questions will be useless whenever I thought of Cretia and my family. Kailangan kong maging mas malakas, maging pinakamalakas para sa kanila. Ngayon pa lang, alam kong nawawalan na sila ng pag asa. Sumasakit ang puso ko tuwing iniisip ang aking ama at ina na dala ang lahat ng sakit at pagsisisi, ang matinding kabiguan.

My father was always been good. He was hailed as one of the greatest King of Cretia. Sa kanyang pag hahari ay nadala niya sa rurok ng tagumpay ang Cretia. Noong bata ako, parati kong naririnig na kung nagawa ng dating hari, ang aking lolo na mapa unlad ang Cretia, taglay ang angking karunungan ay nagawa itong doblehin ng aking ama. Tama nga na ang lahat ay may katapusan din— pero kahit may katapusan man ang lahat, hindi maaring matigil na lang ang lahat sa dulo.

AscendWhere stories live. Discover now