Chapter 15

7 0 0
                                    

Queen Alana Lucil Cunningham

"Ina."

Ngumiti ako at bahagyang binaba ang katawan ko para maging kapantay niya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"Anong ginagawa mo dito, Atticus? Hindi ba ito ay oras ng iyong pagsasanay?" tanong ko sa kanya dahil bigla na lamang siyang tumakbo papunta saakin.

"Ina, nasaan po ba si General Nicholas? Gusto ko po na siya na ulit ang magsanay saakin!" Nakalabing saad ng aking munting prinsipe na lalong mas nakapagpangiti saakin.

No matter how hard it is to accept my daughter's death, I need to keep moving. Malaki ang pasasalamat kong narito pa si Atticus. Kahit papaano ay nasusuklian ng kaligayahang dala niya ang lungkot ng pagkawala ng kanyang kapatid. When I feel empty, he's there to fill me.

"Mahal na Prinsipe!" Nilingon ko ang humahangos na si Major General Dormer. Nanlaki ang kanyang mga mata noong nakita akong kasama ang prinsipe.

"Mahal na Reyna!" pagbati niya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ikaw ba ang tagapagsanay ng prinsipe?" tanong ko.

"Opo, abala po kasi ang bagong General sa pagsasanay ng mga kawal. Ako naman po, pagkatapos ang oras ng pagsasanay ng prinsipe ay naroon din upang tumulong."

Bagong General? Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. May bagong heneral ang hukbo? Pilit kong inalis ang aking pagkabagabag, tatanungin ko nalang ang hari mamaya.

Tumango tango ako at muling humarap kay Atticus.

"Kailangan mo nang magsanay, huwag mong sayangin ang oras na ibinibigay sayo kahit abala sila."

"Pero Ina, si General Midwater ang gusto ko!"

Lumingon ako kay Major Dormer na humihingi ng pasensya para sa prinsipe ngunit pati siya ay bakas ang lungkot sa mata.

"Prince, go back to your training." Maotoridad na boses ang aking narinig mula sa likod ko. Naramdaman ko ang presenya niyang pabigat ng pabigat habang lumalapit saamin.

"Kamahalan." Bati ni Major General habang kaming dalawa ni Atticus ay yumuko lamang.

"Atticus?"

"Your Majesty.." malungkot na tugon ng aking anak.

"Stop complaining and train."

Atticus is different from Azara. Mahirap pakiusapan ang prinsipe upang magsanay, tanging kay General Midwater lang ito napalagay. The prince enjoys just sitting, reading and listening to his lessons. The Princess on the other hand will do everything to escape from her lessons to hold swords. Natatawa nalang ako tuwing naaalala iyon. Mukhang nagkapalit ng katangian ang aking mga anak.

"Yes, Your Majesty." He said in a low tone of voice.

Napangiti naman ako noong marinig ang nahihirapang buntong hininga ng hari.

"Susubukan kong tapusin ang gagawin ko ngayon at bukas. Ako ang magsasanay sayo bukas."

Mas lalo akong napangiti. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya saakin noon.

He wants to give up but he wants to give Atticus a better world. He's being a King and a father at the same time. That's the thing I envy about him because I can't be a mother and a Queen at the same time. Alam ko sa sarili kong kahit gaano ko pa kamahal at kagustong alagaan ang bansang ito, sa oras na malagay sa panganib ang anak ko, walang pag aalinlangang bibitawan ko ang bansa. Sa totoo lang  galit din ako sa sarili ko dahil ganito ako. I'm not even suited to sit beside a King if I can't open my mind like he always do.

AscendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon