Chapter 2

29 1 0
                                    

Nicholas Titus Midwater

"Sa ngayon po ay patuloy ang pag eensayo ng ating hukbo, pinahanda ko na rin ang mga bagong sandatang aming kakailanganin." 

Tumango tango ang mahal na hari habang nananatili pa ring kalmado. Nakakabilib talaga kung paano niya binabalikat ang mga bagay bagay. Hindi ko pa siya nakitang nawalan ng pag asa o nataranta sa mga problemang dumadating sa kanya.

"Ngayon na lamang sila muling nagparamdam mula ng digmaan dalawang taon na ang nakakaraan." Saad niya sa tonong hindi ko maipaliwanag. Umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad kaya naman agad akong sumunod sa kanya.

"Siguro nga't labis na sugat ang dinulot niya sa kabilang panig kaya nahirapan itong bumangon." Dagdag niya pa. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig sabihin ng hari?

"Muli na silang nagpapalakas."

Tama. Ang mga taksil ng aming lahi ay nagpapalakas ng muli. Masasabi kong mas magiging mahirap para saamin ang labang ito.

Sila ang pangkat ng mga taong tinalikuran ang pamumuno ng unang pamilya dito sa Cretia. Naniniwala silang hindi ito nararapat na hindi ko alam kung saan nila nakuha.

Ang buong Cretia ay pag aari ng unang pamilya. Nararapat lang na sila ang mamuno sa kanilang ari arian. Maswerte nang maituturing na kasama kami sa kanilang pinapangalagaan.

Tumigil ang hari dahilan upang mapatigil rin ako. Puno pa ng mga kwarto ang aming dinaraanan. Sa dulo pa nito ang silid para sa mga pribadong pagpupulong.

"May gusto akong ipakilala sayo, General." Ani ng hari at humarap sa kanyang gilid kung nasaan ang pintong sa loob ng isang taon kong pagpapabalik balik rito ay hindi ko pa nakikitang binubuksan.

Pinihit niya ang seradura ng pinto at unti unti iyong binuksan. Nauna siyang pumasok bago ako sumunod.

Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang kwarto. Mas malaki ito kumapara sa mga silid para sa bisita. Puti ang karamihan ng gamit at napakalinis nitong tignan. Halatang matagal nang walang gumagamit nito.

Naagaw ang pansin ko ang mga nakasalansang mga sandata sa isang tabi. Maayos na aayos ito. Kung gayon ay lalaki ang dating gumagamit nito?

Nagulat ako ng marinig ang mahinang tawa ng hari. Malimit lamang siyang tumawa at ngumiti. Kalimitan ay kapag kasama niya lamang ang kanyang pamilya.

Nadako ang paningin ko sa isang malaking litrato ng isang napakaganda at napakaamong babae sa isa pang gilid ng kwarto.

"Pawang mga kagamitang panlalaki ang kinokolekta niya." Nakangiting saad ng hari. Lumapit siya sa larawan kaya naman sinundan ko siya.

"General Nicholas Titus Midwater, I want you to meet my daughter, my Princess Azara Aleyha Cunningham." Halata sa boses niya ang pagmamataas ng ipakilala niya ito.

Teka... Daughter? Princess?

Tinignan ko siya ng may pagtataka. Nakatingin pa rin siya sa larawan.

"Ang aking panganay. My strong and brave princess." He said proudly.

Kung gayon ay mayroon pa pala siyang mas matandang anak. Ngunit bakit wala siya rito? Maari bang nagkaanak ang hari sa labas kaya hindi niya ito inuuwi dito at hindi ginawang tagapagmana.

Dahil kung iisipin ay siya ang nararapat na tagapagmana dahil mas matanda siya sa prinsipe.

Napalingon kaming dalawa ng mahal na hari noong bumukas ang pinto. Pumasok ang mahal na prinsipe na nakakunot ang noo. Noong nagawi sa aming direksyon ang kanyang mata ay agad itong nanlaki.

AscendWhere stories live. Discover now