Chapter 9

14 0 0
                                    

General Nicholas Titus Midwater

She shook her head on me while I am holding her hand and caressing it's back with my thumb.

Muli, nakagawa nanaman ako ng isang pagkakamali na hindi ko man lang pagsisisihan, ang tumitig at malunod sa malalim na bughaw niyang mga mata. Hindi ko na mabilang pa kung ilang beses ko nang nagawa ang pagkakamaling ito, kahit alam kong naghahanap lang ako ng sapat na dahilan upang kumbinsihin sya at ang sarili ko.

I can't still help it, her eyes is the most beautiful thing I've seen in my whole life.

Nagising ako sa pagkawala sa kanyang mga mata noong makarinig ako ng mga sigaw. Napadako ang tingin ko sa kumpol ng mga taong tumatakbo papalapit dito.

Mabilis kong kinabig paupo ang mahal na prinsesa noong pumailanlang sa lugar ang pagsabog.

Bakit ngayon pa?!

Ibinaba ko pa ang hood niya at hinawakan ang magkabila niya pisngi.

"Stay here, okay?" Saad ko.

"No, may gulo!"

"Makinig ka muna sakin, prinsesa. Manatili ka muna kung saan ka ligtas."

Pinanood ko ang pagpasok ng mga kawal ng Amire at pumalibot sa mga taong ngayon ay nasa loob na.

"Gusto kong tumulong."

Napabuntong hininga ako at hirap siyang pinagmasdan.

"I can't risk you. Nakikiusap ako, prinsesa."

"Just.."

Nahimigan ko ang pagsuko sa kanyang boses. Nakahinga ako ng maluwag.

"Babalik ako, prinsesa." I told her before I stand.

Pinagmasdan ko ang pag dami ng mga kawal. This is a sacred place at upang maprotektahan ito kasabay ng pagpoprotekta sa mga tao ay dito sila nilikas.

Nakasarado na ang tarangkahan at marami nang bantay doon. Sinubukan kong makalabas ngunit pinigilan ako.

"Hindi pwede! Madadamay ka lang sa gulo!"

Napatawa ako at umiling.

"Matagal na akong damay sa gulong ito." Ibinaba ko ang hood ko at binati ang kawal na nagulat.

"General Midwater!"

"Saan ang sentro ng pagsalakay?" Kalmado kong tanong.

"Sa pamilihan, General."

Tumango ako. Muli kong nilingon ang prinsesa bago ko lisanin ang lugar. Nakatayo na siya ngayon ngunit nakayuko. Napakuyom ako dahil hindi ko man lamang siya masasamahan kahit ang pangunahin kong misyon ay proteksyonan siya.

"Inaasahan ko ang kaligtasan ng mga taong naririto." lalo na't lingid sa inyong mga kaalaman ay kasama ninyo ang prinsesa.

"Masusunod, General."

Binuksan niya ang tarangkahan at nagmadali akong lumabas.

I help an old lady enter the gate before running to the market.

May iilan pa ding mga tao na naroroon at nagmamadaling makalikas.

"General!" Sigaw ng isang kawal noong makita ako. "Colonel—ang General!"

Nadako ang paningin ko kung saan siya nakatingin. Colonel Brandon Clove suddenly stop from giving commands and gaze at my direction. Bumaba ang naka angat niyang kamay at naglakad sa aking direksyon.

AscendWhere stories live. Discover now