Umupo na kaming dalawa dun sa nag-iisang sofa namin. Kinuha na naman nya ung medical kit, yung basket na may bulak, alcohol, at betadine. Ngayon, di ko na hinayaang s’ya mismo yung magayos sa mukha ko. Nagpaturo nalang ako.

“Sorry ha.” Sabi nya. “Nagulat lang talaga ako, dugodugo ka kasi. Natakot lang ako.”

“Okay lang.” Sabi ko. “Bakitnga pala nandito ka? Alas nuwebe bente palang oh, diba may klase kapa.”

“Walang klase ngayon pala.”

“Ha? Bakit?”

“Pictorial, para sa graduation.” Sabi nya. “Tara, mag-ayos kana.”

“Mag-ayos na ako?” sabi ko. “Mag-ayos na ako?!”

“Eh, kasi pag di ka pa pumuntang school ngayon. Di kana makukuhanan ng Grad pic.”

“Eh ano. Pake ko sa litrato ko. Kayo nalang. Si Kamiseta, yun, s’ya nalang isama mo. Dali.”

“Andun na sya. Tumawag ako sa bahay. Sabi ko naman wala si Red at yung dalawang kumag e. Tra na. Wag na maarte.”

Hinila nya ako sa kwarto ko at inayos na yung uniform ko. Kahit anong tanggi ko ay hindi s’ya nag-papatalo kaya sumunod nalang ako. Nag-derederecho na agad kami sa school ng walang pakundangan. Tapos ayun. Pagkadating namin sa school, kinuha nya na agad yung toga. Sinuot ko yung toga. Tapos pumunta na ako sa may photographer. Halatang halatang nag-pipigil ng tawa yung photographer na babaeng may kaedaran na. “Smile.” Sabi nya. Hindi naman ako ngumiti. Sinong makakangiti sa ganto. Tapos pag-katapos ng dalawang click. Pinalapit nya ako. Pinakita nya ung dalawang shots at tinanong sa akin kung ano bang mas maganda. Halatang nang-iinsulto s’ya. Pinili ko nalang yung una. Pareho lang naman e. Grabe, nakakahiya. Ako lang ata sa buong mundo ang may graduation photo na puro pasa’t band-aid sa mukha. Nakakahiya talaga. Inintay ko muna yung part ni Kamiseta bago ako umalis. Tinignan ko muna. Di naman ngumiti si Kamiseta. Pero kahit di s’ya nakangiti. Nandun parin yung mapupungay at malalalim n’yang mga mata. Tapos non, umuwi na ako. Hindi na ako nag-paalam kay Sam.

Tinatamad akong mag-sakay at nakita narin naman ng mga tao ang itsura ko. Hindi ko na ininda at nag-lakad nalang ako pauwi. Tinatamad parin talaga ako sa community service. Nakakatamad naman talaga e. Alas-dose na ng tanghali at mainit na. Ewan ko kung bakit ko trip na namang maglakad ngayon. Pero nagutom ako kaya pumunta muna ako sa isang karinderya sa hindi kalayuan. Umorder ako ng dalawang kanin at isang porkchop, pinasamahan ko narin ng ketchup at onting sabaw ng sinigang. Matatapos na ako ng HS. Excited na ako, bigla. Di ko alam kung ano pang gagawin ko sa College. Di ko pa talaga alam ang gusto kong course. Wala akong ideya sa gusto ko pero para bang na-excite ako bigla. Wala lang. Minsan naman ganon talaga diba. Maeexcite ka tapos hindi mo talaga alam kung bakit. Kaya pag na-disappoint ka, di mo rin alam kung bakit. Ganon talaga, nakakalito ang lahat. Wala naman taong kayang pumerpekto sa mundo. Tinapos ko na yung kinakain ko, nag-bayad at umalis narin.

Pawis na pawis ako pag-kauwi ko sa bahay. Ang init kasi tapos medyo may kalayuan din yung nilakad ko. Quarter to one na, ambilis. Di ko namamalayan ang oras. Umupo ako. At dahil na naman sa hindi ko alam na rason, nag-timpla akong kape. Ewan ko. Masarap ang kape e. Kaya nag-timpla ako. Ang init ng panahon, kasing init rin ng kape ko. Ansarap na hindi, masarap kasi kape ang iniinom ko; pero hindi masarap kasi mainit talaga. Pawis na pawis na ako. Gusto kong maligo ulit. Binuksan ko yung ref tapos lahat ng bote ng tubig don, binuhos ko sa balde. Lahat talaga hangga’t mapuno yung balde. Tapos ayun, yun yung pinaligo ko. Ang sarap sobra, para akong bagong panganak na bata. Na-refresh ako ng sobra at tuwang tuwa ako na naghi-hiyaw ako ng “wooo!” sa banyo. Hindi ko alam kung may nakakarinig pero ang sarap talaga.

Iningatan ko na yung pagpunas ko sa mukha ko ngayon. Dahan dahan, dahan dahan. Nagbihis na ako’t nagbihis. Presko yung pakiramdam talaga. Gusto ko nga lumipad sobrang presko. Naupo muna ako sa sofa. Nakatunganga lang. Naisip ko yung 15k sa banko, sa ATM. Bigla ko lang naisip. Grabe, hindi parin ako makapaniwala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dun. Wala akong maisip na paraan para magka-ganong pera si Tita. Hindi ko nga alam talaga kung anong trabaho nya e. Hindi nga ako nakakatikim ng masarap na birthday e. Kasi wala lagi s’yang pera. Pero ayos lang yon, wala akong reklamo don. Ang pinag-tataka ko lang talaga ay kung san galing yung pera. At bakit sa akin s’ya nag-iwan ng ganong kalaking pera. Ibig kong sabihin, Kinse-mil?! Ibig sabihin, meron pa s’yang mas madaming pera na hawak nya, na nasa kanya ngayon. Nasaan kaya si Tita? Kahit na hindi kami naging magkalapit na Tita ay medyo nalungkot ako ngayon na wala s’ya. Medyo namiss ko yung putak nya.

Pag-palo ng alas tres. Dumating na si Sam. Pumunta na daw kami sa baranggay at ayusin yung sa community service. Para bang natutuwa pa s’ya na mag-wawalis ako araw araw sa initan. Hindi naman naging mahirap yung usapan, nabigyan agad ako ng uniform. Alas ocho ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon. Patayan a. Kelangan daw malinis ko yung munisipyo sa ganong oras. Bukas daw ako mag-sisimula. Grabe, gusto kong umiyak talaga kasi tamad na tamad ako. Ngiting ngiti si Sam.

Kumamot nalang ako sa ulo at tinanggap ang kapalaran ko. Ano pa nga bang magagawa ko. Ganto din naman si Alexander the Great nung una. Sabi ng master nya ay lagi s’yang gumising ng maaga at pumunta sa ilog para maligo. Dun lang sya. Yun na yung training nya. Galit na galit s’ya kasi hindi n’ya alam kung para san yung ginagawa nya. Nakikita nya ung mga ibang nageensayo ay nasakay na sa kabayo at iba iba pang mas karapatdapat na ensayo kesa tumambay sa ilog ng umagang umaga. Tapos sa huli, tinanggap n’ya nalang yung ensayo. Gumigising na s’ya ng kusa sa umaga at pumupunta dun sa ilog. Hindi na kinailangan nung master nya na gisingin s’ya. At ayun, sinong nag-akala na dahil dun ay tatanghalin sya na Alexander the Great or sa ibang tawag ay Alexander of Macedo, isa sa pinakamagiting na pinuno sa kasaysayan. Disipilina. Disiplina nga siguro.

Hinatid ko na si Sam sa kalsada at hinintay ko na s’yang makasakay ng jeep. Hapon na, mga alas singko. Tumambay pa kasi kami ni Sam kanina sa may park na kung san ako maglilinis, kasi dun sa park ay yung munisipyo din. Kumain kami ng onti. Tapos ayun umuwi na s’ya. Nag-lakad nalang ulit ako pauwi. Kasi di ko talaga trip mag-sakay ngayong araw, lalo n’at magisa lang ako. Nung nag-lalakad na ako pauwi. Nakarinig ako ng putok ng baril. Oo putok talaga ng baril. Tapos may nakita akong nagkukumpulang tao sa kabilang kalsada. Tapos nakita ko yung tao na nanakbo at may dala dalang bag. Hinabol ko s’ya. Pinas-pasan ko talaga takbo ko. Nakita kong may hawak s’yang baril pero hinabol ko parin s’ya. May mga tao din namang humahabol sa kanya. Ako yung may pinakamalapit sa kanya. Mabagal s’yang tumakbo kasi pero hindi s’ya maabutan ng mga tao kasi may kaedaran narin. Tapos nung nakita kong haharap na s’ya sakin kasama yung baril nya ay tumalon ako at sinunggaban s’ya. Pero pumutok parin yung baril. Sa lupa. Oo sa lupa. Tapos sinuntok ko yung braso nya para mabitawan nya ung baril tapos sinipa ko palayo. Tapos nakita ko na bumunot pa s’ya ng kutsilyo. May kutsilyo pa sya. Tapos sinaksak nya to sa akin. Naka-ilag ako ng bahagya pero tinamaan parin ako. Onti lang. Pero dumugo yung tyan ko. Tapos ginawa ko, sinuntok ko s’ya sa mukha at binali ko yung braso nya para mabitawan yung kutsilyo. Tapos buti nalang, dumating na yung mga taumbayan. Ayun, na-aresto na s’ya at ako naman ay medyo nahilo sa mga nangyari. Dumudugo yung tagiliran ng tyan ko pero okay lang ako, promise. Nahiwa lang kumbaga. Hindi seryoso. Ang malungkot nga lang, nabaril yung bata. Bata yung ninakawan ng bag at isang matandang pulubi. Hindi ko alam bakit yun payung napili nung hayop nayon. Hindi na s’ya talaga naawa. Tsaka lang naman dumating yung mga lintik na pulis. Tinakluban nila yung bangkay nung bata at nung matanda. Ang sakit tignan. Tapos kahit na sabihin kong okay lang ako, ay hindi parin sila makuntento at talagang sinabi nilang dalhin ako sa ospital. “Di po talaga pwede, may trabaho po ako mamayang alas-syete at may utang po ako sa amo ko. Kelangan ko po talaga mag-trabaho.” Sabi ko. Pero di sila nakinig at talagang pinapunta pa ako sa ospital. Pumayag na ako.

Ayun nanga, napapunta ako sa ospital. Sabi nung doktor ay hindi naman nga malalim yung sugat. Ang kukulit kasi e. Wala namang gagawin operasyon kung hindi tahi lang. Hoo, kinabahan ako don. Tahi lang! Grabe. TAHI. TATAHIIN YUNG TYAN KO. KABADO AKO. Iiyak na nga ako e. Pero ayun. Nung tinurukan na nila ako. Wala na akong matandaan.

Nagising nalang ako non sa kama. Iba na yung suot ko. Pero wala naman akong dextrose, oxygen o kung ano. Medyo nahihilo pa ako dahil dun sa anaesthesia. Tapos, nakaupo si Sam at Kamiseta at Milion sa tabi ko. Dun sa may tabi ng kama pala. Nginitian ko lang sila. May pakiramdam akong mabubungangaan na ako ni Sam. Ilang minuto nalang.. ayan na. 3...2...1.

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now