Kabaliwan 18 ^_<

988 41 0
                                    

Mitch Pov

"Luhod!" Sigaw ko

"Huhuhu sorry na mitch" Umiiyak na sabi nilang dalawa habang lumuluhod

"Taas ang dalawang kamay!"

Tinaas naman nila ang dalawang kamay nila.Nakaharap sila ngayon sa pader at nasa likod nila ako

"Hanggat hindi ko sinasabing ibaba nyo yan huwag nyong ibaba MALIWANAG?!"

"Huhuhu maliwanag po" Sagot nila

Bumalik ako sa kwarto saka niligpit ang pinaghigaan.Nag hilamos at toothbrush nadin ako

Yung babaeng talagang yun nako! Papasabugin na yung mundo lahat lahat tulog padin!

Pagkatapos ay bumalik ako ng sala

"Kamay!" Sigaw ko nang pababa na ang mga ito

Mabilis naman nilang dineretso ang dalawang kamay

"Oh anong nangyari?"

Napatingin ako sa babaeng nag salita

"Eto" Sabi ko saka nag sign na pinapakita ang paligid

"Oh bumagyo ba dito sa loob?" Sabi nya saka humikab

"He! Maghilamos kana nga doon" Sabi ko

Bumalik naman ito sa kwarto nila.Kinuha ko yung kumot saka tinupi

"Huhuhu sorry na mitch hindi nanamin uulitin" Rinig kong sabi ni key

Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ang pagwawalis

"Huhuhu sorry na,ikaw naman ang pinakatarantado eh huhuhu"

"BWAHAHAHAHA!! Tarantado ka daw mitch?! Hahahaha!! Kingina!"

"Bakit ka tumatawa cha? Tarantado ka din naman ah"

Napahinto ng pagtawa si cha saka tinaasan ng kilay si key

"Meaning kasi ng tarantado ay cute" Sabi ko

"Ay ewaaan! Makapagluto na nga lang" Sabi nya saka umalis

"Waaahhh cha ko! Tulungan mo ako ditooo! Huhuhu!" Sigaw ni blis

"Hoy manahimik ka! Parehas natin tong ginawa kaya parehas tayong mag dudusa!"

Napangiti naman ako sa sinabi ni key

"Kamay!!"

Nang matapos maglinis ay tumingin ako sa kanila

"Magtatanda naba kayo?" Nakataas na kilay na sabi ko

Tumango tango naman sila

"Promise?"

"Pramis" Sabay na sabi nila

"Cge pwede nyo ng ibaba ang kamay nyo" Sabi ko

Mabilis nilang ibinaba ang kamay nila.Sabay pa silang napaupo at napasandal sa pader at ang malala ay nakanganga pa sila

*Click!*

Napatingin silang dalawa saakin

"Ano yan mitch?" Pagod na tanong ni key

Sasagot na sana ako nang biglang nag ring ang phone ko

"Hello?"

"Ms.Villanueva,pumunta ka sa office ngayong 2:30 pm.May pag uusapan tayo about sa kulang mo"

"Hala sir! May kulang pa po ako?" Gulat na sabi ko

"Yup.Pero iba ang papagawa ko sa iyo" Sabi ni sir

"Cge po sir"

"Okay bye"

"Bye po"

Pinatay ko na ang tawag saka umupo sa sofa

"Sino yun mitch?" Tanong ni key habang papalapit saakin

"Prof ko lang" Sabi ko

Tumango tango naman sya saka umupo sa lapag

"Kain naaaaa!!"

Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)On viuen les histories. Descobreix ara