Special Chapter 01

982 30 5
                                    

Mitch Pov

"Miiittcccchhh!! Nasaan kana? Tapos na klase mo?" Masayang tanong nya

Shit.

Tumingin muna ako sa prof namin at muling nag tago sa likod ng bag ko.

"Patapos na.Huwag kang maingay baka makita ako ng prof ko" Mahinang sagot ko

"Cgee! Punta na ako jan ah!!"

"Wai---"

*Toot* *Toot* *Toot*

Napailing nalang ako at tinago na ang cellphone sa bulsa ko.

Nagpupumilit kasi sya na sunduin ako.Hindi naman ako pumayag dahil kapag sya yung nag d-drive halos lumabas na ang puso ko sa kaba.

Na trauma ata ako sa pagdrive nya noong may sakit pa sya.

-_-

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Class dismiss!"

Tumayo na ako at inayos ang gamit ko.Pagkalabas ay nakarinig agad ako ng mga bulungan.

"Oo nga eh.Ang hawt nyaaa!!"

"Emegheedd oo nga!"

"Mygosh! Nasaan yung hawt?!"

"Nasa parking lot! Mygoossh! Ang hawt nyang makipagaway!"

Napailing nalang ako at naglakad.Ngunit natigilan din ako dahil sa narinig ko.

"Diba yun yung boyfriend ni Mitch?"

"Oo.Ang swerte ni Mitch ang wafu ni Key mygosh!"

Para akong sinuntok sa kaba.T*angina ano nanaman ba 'to?

Agad na akong tumakbo papuntang parking lot dahilan para lahat ng estudyante ay mapatingin saakin.

"What the hell key" Bulong ko at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo

Pagkarating sa parking lot ay naabutan kong nakikipag away na si key.

Ang dami nila.

Napatingin ako sa likod nya.Mabilis kong kinuha ang bag ko at hinagis ng malakas sa lalaking may hawak ng baseball bat.

Natigilan ang lahat at napasinghap ang mga taong nanonood.

"Si mitch yun diba?"

"Oo.Tapang ni gurl"

"Bro si mitch!"

"Shit! Tara!"

"Hoy anong tara?! Baka nakakalimutan mong girlfriend mo ako?!"

"Mag b-break na yan"

"Anong problema mong babae ka?!" Sigaw nya

"Anong problema mo ding kalbo ka?!" Sigaw ko

Napangisi ako nang mamula ang buong mukha nya sa galit.

"Mitch! Umalis kana dito!" Rinig kong sigaw ni key

"Omegheed sweet nemen ni key!"

Hindi ko sya pinansin at muling tumingin kay kalbo na pasugod na pala.

Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)Where stories live. Discover now