Kabaliwan 8 (ミㅇ ༝ ㅇミ)

1.1K 57 6
                                    

Mitch Pov

"Mitch pasagutin mo ako ng plus magaling ako jan pramis hihihi" Sabi nya

Papunta kami ngayon ng mall para bumili ng teddy bear kuno nya

"1+1?"

"2 hihi"

"2+2?"

"Hihihi 4"

"4+4?"

"9"

Napatingin naman ako sakanya

"9?" Tanong ko

"Oo tama naman ah" Nakangusong sabi nya

"8 kaya" Sabi ko

"9"

"8"

"9"

"8"

"9"

"8"

"9"

"8"

"9"

"Ewan ko sayo.Bahala ka jan" Sabi ko

"Wahahaha 9! 9! 9! Galing galing ko talaga hihihi" Sabi nya habang pumapalakpak

Napailing nalang ako

Pagkarating sa mall ay kumain muna kami.

"Ano yun mitch? Pakpak ba ng ahas yun?" Tanong nya habang tinuturo yung fried chicken

Nagtatakang tumingin naman yung babae sakanya

"Hehehe yan kasi yung tawag namin dun" Nahihiyang sabi ko

"Yun ba yung gusto mo?" Tanong ko.Tumango tango naman ito

Pagkatapos mag order ay nag hanap na kami ng upuan

"Ang katarantaduhan nung babae no? Hihihi" Sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Oo.Tarantado sya" Inis na sabi ko

"Tarantado? Short cut bayun ng katarantaduhan?"

Tumango nalang ako

Nilagyan ko muna sya ng tissue sa damit bago kumain

"Wag kang mag kakalat okay?" Sabi ko

"Aye aye!" Sabi nya

Habang kumakain...

"Miiitch himay" Sabi nya habang nakanguso

Hinimay ko yung manok at muling kumain

Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa store ng mga teddy bear

"Ayun miiitcch!" Excited na sabi nya sabay turo sa teddy bear na hanggang tyan ko siguro.Kinuha namin ito at binayaran

Gabi na nang umuwi kami.Saan saan pa kasi kami nag pupunta katulad ng park,baywalk at kung saan saan pa

"Podooooo" Sigaw ko

*arf!* *arf!* *arf!*

"Hi podooo ang tarantado mo talaga hihihi pero mas tarantado tong teddy bear na binili namin ni mitch hihihi"

Imbis na mainis ay natawa ako sa sinabi nya hahaha putcha!

Pinakain ko muna si podo bago mag banlaw ng katawan

Pag ka labas ko ng banyo nakita kong nakanguso si key habang nakatingin sa teddy bear nya

"Anyare sayo?" Tanong ko

"Miitcch huhuhu dinaman sya nag sasalita eh! Bakit si teddy nag sasalita?" Nakangusong sabi nya

"Magsasalita daw sya kapag naghilamos kana" Sabi ko

Mabilis naman itong tumayo

"Talaga mitch?!" Excited na sabi nya kaya tumango ako

Dali dali syang pumunta ng banyo habang nakangiti ng malapad

Maya maya ay tapos na ito at pumunta sa wardrobe ng kwarto at nag bihis

Mabilis syang lumapit sa teddy bear nya at umupo sa tabi nito

"Hi!" Nakangiting sabi nya

"Hello" sabi ko

Pero syempre iniba ko yung boses ko

Nanlaki naman ang mga mata nya sabay tingin saakin.Ngumiti nalang ako

"Bukas nalang kita kakausapin ah? Matutulog na kami ni mitch eh.."

Napangiti naman ako

"Cge"

"Goodnight"

"Goodnight din"

Nilagay nya sa kaliwang side yung teddy bear at humiga sa tabi nito.Pinatay ko muna ang ilaw bago humiga sa kanang side,so si key ang nasa gitna.

Sumiksik sya sa leeg ko saka ako niyakap kaya niyakap ko din sya.Kahit wala pa syang sakit na Aburakatiktik Syndrome ay ganito ang ginagawa nya.

Aburakatiktik =_=

"Ano ipapangalan mo sa teddy bear mo?" Tanong ko

"Hmm..Kimi hihihi"

Nakiliti naman ako sa pag hagikgik nya

"At saan naman nanggaling ang kimi aber?" Tanong ko

"Sa key at mitch=kimi.Pangit naman kung kemi diba? Kaya kimi nalang" Sabi nya napatango tango naman ako at napangiti

"Wag ka mag alala mitch kahit tarantado si podo at mas tarantado si kimi...wag ka mag alala ikaw naman ang pinakatarantado sakanila hihihi"

Kinginuh? =_=

Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ