Kabaliwan 24 ('~')

900 41 2
                                    

Mitch Pov

Pumunta na ako ng groceries store at bumili ng 2 gallon ng gatas

Pagkatapos ay umuwi na ako.Nadatnan ko si key na nakatulala habang nakaupo sa sofa at yakap si kimi

"Key" Tawag ko saka dumiretso sa kitchen at nilapag ang gatas

Ang bigat!

"Miiitcchhh!!"

"Huhuhu bakit mo ako niiwan dito? Huhuhu takot ako sa mumu" Sabi nya saka ako niyakap

"Bumili lang ako ng gatas" Sabi ko at niyakap din sya

Bati na kami :p

"Kumain kana?" Tanong ko

Umiling naman sya

"Upo kana doon,magluluto muna ako.Anong gusto mo?" Tanong ko

"Paaannncakeee!"

"Hahaha cge na.Upo kana doon" Natatawang sabi ko

Umupo na sya kaya nag umpisa na akong magluto

Minutes Passed

"Jereeeennn!" Sabi ko at nilapag ang pinggan na may pancake sa mesa

Kuminang naman ang mga mata nya

Magsasalita pa sana ako pero may nag door bell

"Dyaan ka lang ha?" Sabi ko na ikinatango nya

Hinubad ko ang apron saka pumunta sa pinto

"Sino yan?" Tanong ko pero walang nag salita

Binuksan ko ng bahagya yung pinto pero nagulat ako nang bumukas ito ng malakas kaya nauntog ako at napaupo

"Walanghiya ka! Sino ka para sapakin ako ah?!" Sigaw nya habang nakapatong saakin

"Taena" Bulong ko

"Mitch? Ayos ka lang?" Rinig kong tanong ni key

Sasagot na sana ako nang biglang umangat si Jera the Anaconda

Nagulat ako nang makita si cha na nasa likod nito

"Anong ginagawa mong punyeta ka?" Tanong nya habang hawak yung buhok ni anaconda mula sa likod

"Bitawan mo ako!" Sigaw ni anaconda

Tinulungan akong tumayo ni blis

"Cge" Sabi ni cha at pinalabas ito habang nakahawak parin sa buhok nito

"Bye!" Nakangiting sabi nya kay jera na nakaupo sa tapat ng pintuan ng condo

Malakas na sinara nya ang pinto at pinunasan ang pawis

Napangiti ako at unti unting pumalakpak

"Nice nice" Sabi ko

Inirapan nya ako at umupo sa sofa

"Na i-istress ako!" Sabi nya kaya natawa ako

"Gusto mo ng pancake?" Tanong ko

Umiling naman si cha samantalang si blis kuminang ang mata

Natawa naman ako kaya pumunta ako ng kusina.Muntik na akong mapasigaw nang makita ko si key na nasa gilid habang nakayuko

Kumunot naman ang noo ko at lumapit sakanya

"Anong nangyari sayo? Inaway ka ba ng ipis?" Tanong ko

Unti unti kong narinig ang hikbi nya

"Key"

Inangat nya ang mukha nya kaya muntik na akong matawa.Umiiyak kasi sya habang naka nguso

"Anong nangyari sayo?" Natatawang tanong ko at pinunasan ang luha nya

"Waahh" Sabi nya saka ako dinambahan ng yakap kaya napaupo ako

"N-niaaway ka nya huhuhu b-bad sya"

Napangiti naman ako sa sinabi nya

"Oo bad sya kaya wag ka ng lalapit sakanya okay?"

Tumango naman ito

"Mitch? Anong ginagawa nyo jan? Nasaan na pancake ko? Huhuhu"

Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat