Kabaliwan 2 ~ ̄▽ ̄~

1.5K 54 0
                                    

Mitch Pov

"So class, Congratulations and enjoy your vacation,bye" Sabi ng Prof at umalis

"Yeesss!!!"

"Natapos din ang paghihirap natin!"

"Oo nga pisti mamatay na ata akoooo"

"Bakasyooon naaaaaaa!"

Ngumiti ako at huminga ng malalim.Yes! natapos na rin sa wakas ang paghihirap ko sa kolehiyo.Niligpit ko ang gamit ko at nalakad palabas.

"Bye mitch"

"Babye miitch sana makita pa kita sa susunod"

"Babyee miitcch huhuhu mamimiss ka namin"

Nginitian ko sila.

"Babye din mamimiss ko kayo" Sabi ko at lumabas

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may text ba si key.Napabuntong hininga ako dahil ni tuldok ay wala syang tinext.

Nang nasa gate na ako ng school,nagulat ako nang biglang may dumamba saakin.

"Bruha ka talaga! papatayin mo ata ako sa sakit sa puso!" Sigaw ko

Natawa naman si Cha a.k.a Bruha.

"Sorry na hahaha ayaw mo nun makakasama mo na si san pedro" Natatawang sabi nya kaya inirapan ko sya

"Baka gusto mo ikaw yung unang makakita sakanya" Sabi ko at umirap

Napa pout naman sya at lumingkis saakin

"To naman di mabiro.Syangapala anong plano mo sa bakasyon? Swimming tayo o kaya punta tayo ng---"

"Hep! hep! hep! Manahimik ka na ah! Alam ko naman magiging drawing yan.Ikaw pa tsk nung nakaraan dami nating plano pero hindi ka sumipot.Hagis kita sa northpole eh" Sabi ko habang nag lalakad kami

Natawa nanaman sya.

"Oo na hahaha sino pala kasabay mong uuwi?" Tanong nya

"Sabi ni key susunduin nya ako pero nung tinext ko sya hindi naman nag reply" Nakangusong sabi ko habang lumilinga-linga

"Nako! nambabae na--"

Hindi na sya natuloy dahil bigla syang nadapa.

"Hindi ko po kilala yan" Medyo may kalakasan na sabi ko at mabilis na iniwan sya.

"MITCH! Huhuhu bad kaaa!!" Rinig kong sabi nya

Hindi ko nalang sya pinansin at maya maya naramdaman kong lumingkis nanaman sya saakin.

"Ano ano kasi dinadada mo jan" Sabi ko

"Tsk.Nasaan na ba yung susi mong boylet ha?" Tanong nya

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan sya pero hindi naman nya sinasagot.

"Hihintayin ko nalang sya,umuwi kana" Sabi ko

"Ogag kaba? Kapag ikaw namatay tapos ako yung huli mong kasama mapag kamalhan pa akong jinombag ka.Jombagin kita eh" Sabi nya at inirapan ako

Natawa naman ako.

"Patay agad? Ikaw patayin ko you want?" Tanong ko

Makalipas ang 30 minutes wala parin sya kaya napagpasyahan nanaming umuwi.

"Langhiya yang boylet mo ah,paasa.Akala ko pa naman makakalibre na ako ngayon ng pamasahe" Sabi nya habang tumitingin tingin ng bus

"Baka busy lang" Sabi ko

"Ang sabihin mo---AYUN MAY BUS!!" Sigaw nya

"Punong puno naman eh" Sabi ko

"Pwede nayan! wala naman nang dumadaan kailangan natin mag tiis.KUYA STOP!! SASAKAY KAMI!!" Sigaw nya

"Wala na miss!" Sigaw nung konduktor

"ANONG WALA NA?! PAPASAKAYIN MO KAMI O ILALAGLAG KITA JAN?!"

Nagulat ako nang bigla itong pumunta sa daan at hinarangan yung bus.

Taena =_=

Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)Where stories live. Discover now