Special Chapter 02

963 33 2
                                    

(At dahil abno nanaman si key may part 2 haha)

Mitch Pov

"Key,tara na at baka tuluyan pang umulan" Sabi ko at binuhat ang mga bagahe papuntang sasakyan.

Napagpasyahan namin na mag bakasyon muna.Nag paalam na ako sa school namin at pumayag naman sila.

Ginawa naming excuse yung pambubugbog ng grupo kay key hahaha.

"Hi miiitch!" Pabating sigaw ni Blis

Tinanguan ko lang sya at sinarado na ang pinto.Umikot ako at pumunta sa driver seat.

"Seatbelt" Paalala ko kay key

"Yes ma'am!" Nakangiting sabi nya

"Ready na ba ang lahat? Gas? Mga bagahe? Kasama?" Tanong ko habang pinapaandar ang sasakyan.

"Check na check!" Sigaw ng dalawa sa likod

"Wait mitch! Ano bang gagawin natin sa gas?" Tanong ni Cha

"Inumin mo" Sagot ko at umirap

"Huh?" Rinig kong sabi nya

Hindi ko nalang sya pinansin at nagsimula ng mag drive.

Pupunta kaming baguio ngayon.Sabi ko nga ay huwag muna ngayon dahil madilim ang kalangitan pero excited na excited yung tatlo kaya natuloy kami.

Habang nag babyahe ay unti unti nang bumagsak ang mumunting tubig.

"Tsk sabi ko na nga ba" Bulong ko

Tumingin ako kay key na natutulog na pala pati ang dalawa sa likod.Inihinto ko ang sasakyan sa tabi ng daan at ginising si key.

"Bakit? Nandito na ba tayo?" Inaantok na tanong nya habang humihikab.

Magsasalita na sana ako nang bigla syang sumigaw.

"N-NANDITO NA TAYO?!" Malakas na tanong nya kaya nagising ang dalawa.

"NANDITO NA TAYO?!"

"YEHEEEEYYY!!!"

"WAIT GUYS!!" Sigaw ko kaya napahinto sila.

"Bakit?"

"Wala pa tayo okay? Ginising ko lang si key kasi nauuntog sya sa bintana" Mahinahon na sabi ko at tumingin kay key

Natawa ako nang makita kong namumula ang mukha nya habang naka pout.

"Halika nga dito" Sabi ko at pinahiga sya sa lap ko.

"Comfortable?" Tanong ko sakanya

Namumulang tumango sya at tinakpan ang mukha.Napangiti naman ako at napailing.

Pero natanggal ang ngiti ko nang umpisahan ko ng paandarin ang kotse.

"Anong nangyari?" Tanong ni cha

"Shit" Mura ko

Inangat ko ang ulo ni key at bumaba ng kotse.

"Mitch magkakasakit ka!" Rinig kong sigaw ni key sa loob at akmang lalabas pero binantaan ko sya.

Binuksan ko ang harapan ng kotse at chineck kung may sira ba o wala.

Muli akong pumasok ng kotse at naghalungkat.

"Nasaan yung gas?" Tanong ko

"Eto"

Kinuha ko kay cha ang gas pero napatigil din ako dahil ang gaan.Hindi ko nalang pinansin at pumunta sa side ng kotse.Binuhos ko ang gas pero nagtaka dahil walang lumalabas.

Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang