Kabaliwan 25 T_T

890 40 2
                                    

Mitch Pov

"Ano bang ginagawa ng bruha nayun dito?" Tanong ni Cha habang kumakain ng ice cream

"Malay ko sa anaconda nayun,bigla nalang sumugod" Sabi ko pero may naalala ako

"Ay sinapak ko pala sya kanina sa elevator" Sabi ko kaya natawa sya

"Iba kasi yung tinatahak na daan nya eh papunta dito" Sabi ko at umirap

"Tara sunugin na natin sya" Sabi nya kaya natawa kami parehas

Someone Pov

Napangisi ako at hinila sya palabas ng kwarto nila

"Oh" Sabi ko at binigay ang papel pero kumunot lang ang noo nya

Lumapit ako sakanya at bumulong

"Huh? Bakit?" Tanong nya

"Basta" Sabi ko

Ngumuso nalang ito at tumango

Napangisi naman ako ulit

It's payback time babe

Mitch Pov

"Key" Tawag ko sakanya pero walang sumagot

Lumabas ako at may nakita akong note sa t.v.Paano ko nakita? Nakasulat sa malaking papel.

'Mitch papasyal muna kami' Cha

"Daya di ako sinama" Nakangusong sabi ko

Pinunasan ko nalang ang basang buhok ko

Umupo ako sa sofa at tumulala

"Nakakabored" Bulong ko

*Arf!*

"Ay kingina!" Gulat na sigaw ko

"Podo naman..wag kang ganyan baka mawalan ka ng amo" Sabi ko at nilagay sya sa lap ko

"Buhay ka papala" Natatawang sabi ko at hinagod hagod ang ulo nya

"Charot lang hahahaha"

Binuksan ko ang t.v at nanood

Hayst saan nanaman kaya sila nag pupunta?

Humiga ako sa sofa at hindi namalayang nakatulog ako

Someone Pov

"Ready na?" Tanong ko.Tumango naman ito sa tumingin sa pinto ng condo nila

"Galingan mo ah?"

Mitch Pov

"Key.." Tawag ko pero walalng sumasagot

"Key nasaan ka?" Tanong ko

Binitawan ko ang twalya at lumabas ng kwarto pero nagulat ako nang mabasag ang picture frame kaya napatingin ako doon

Napatakip ako ng bibig at lalapit na sana nang biglang may humila sa paa ko

"Waaahhh!!"

Napabalikwas ako nang bangon habang hingal na hingal

Tumayo ako at pumunta ng kusina para uminom ng tubig

Pagkatapos ay lumabas na ako at sakto namang dumating sina Key pero wala na sila cha

"Oh nasan sina cha?" Tanong ko pero hindi sya nag salita kaya kumunot ang noo ko

Nakatitig lang sya sa akin habang nakatayo sa pintuan

"Napapagod na ako...i want to break up w---"

"Stop" Bulong ko at hindi na napigilan ang luha ko

"Im sorry mitch"

"I SAID STOP!" Lumuluhang sabi ko

Biglang kumunot yung noo nya

"Don't worry magiging mag kaibigan naman tayo" Sabi nya

Para akong sinampal ng salitang 'Sakit'

Tumayo ako at tumakbo palabas ng condo

"Mitch!!" Rinig kong tawag nya

Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo pero hindi ko inaasahan ang nangyari

"Hello bitch"

Napahinto ako sa pag takbo.Parang nanigas ang buong katawan ko sa nakita ko

Dahan dahan syang nag lakad kaya paatras ako ng paatras.Tumakbo ito kaya tumakbo din ako papunta elevator

"Fuck! B-bilisan mong *sob* mag bukas!" Sigaw ko habang pinipindot ang button ng elevator

Lumingon ako sa likod at nakita kong hinihila nito ang palakol nya

"B-bilis!!" Sabi ko

Tumunog ang elevator

Papasok na sana ako pero napahinto ako sa nakita ko.Nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako

Napahawak ako sa dibdib ko nang sumikip ito

"K-key.."

"K-key..t-tulungan mo a-ako.." Sabi ko at naramdaman ko nalang ang malamig na sahig

Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon