Kabaliwan 3 >_<

1.3K 49 1
                                    

Mitch Pov

"HOY KINGINA TO MAG PAPAKAMATAY KA NABA?!" Sigaw ko

"Hoy miss mag papakamatay kaba?!" Galit na sabi ng konduktor pagkababa ng bus

Inirapan sya ni Cha at hinila ako papasok ng bus.

"O ayan kuya saksak mo sa ngalangala mo.Sa **** kami!" Sabi ni cha sabay pabagsak na binigay ang 100 sa dibdib ni kuya

Tsansing din tong babaeng to eh no? Walang pinipili.Mukha namang ano si kuya.Half tuko half kabayo hahaha.

Makalipas ang ilang minuto.

"Phew~" Pinunasan ko ang pawis ko sa noo

Peste kasi tong buhay nato eh!

"Huy!" Napatingin ako kay cha

"Buhay ka pa jan?" Natatawang bulong nya

"Malamang,ikaw yata patay kana jan eh hahaha" Bulong ko din

May tao kasi na nasa gitna namin,tulog.Tibay ni ate,nakatayo habang tulog.

Petmalu lodi (΄◉◞౪◟◉‵)

"Pak--"

Hindi na natuloy yung sasabihin nya nang biglang mag headbang si ate lodi.

Napasinghap ako sabay kagat ng labi.Umiwas ako ng tingin at pinigilan ang pagtawa.Ang epic kasi ng muka ni cha hahaha parang natatae ang bruha.

"Pfft~Ehem!" Sabi ko at tumingin kay cha na natatawa din

→←→←→←→←

"Babye mitch!!" Sigaw nya habang kumakaway

Kumaway ako pabalik at sumigaw ng "Mag pasagasa ka ah!" Pinakyuhan naman ako ng bruha kaya natawa ako

Pumasok na ako ng elevator at pinindot ang 18th floor.Nang makarating sa condo,binuksan ko kaagad ang pinto.

"Key!" Sigaw ko pero walang sumasagot

Si key nga pala ang boyfriend ko.Dapat mag a-apartment lang ako kaso mapilit sya kaya ayan sa condo nya ako nakatira.

"Nasaan ka?" Tanong ko at sinara ang pinto pero muntik ko ng mahagis ang hawak kong bag nang makita si key sa likod ng pinto.

"Gago to nagulat ako! Ano bang ginagawa mo jan?! At anong kabaliwan yan? Nanood ka ba ng train to busan at ganyan ang ayos mo? O lumabas sa t.v yung zombie saka ka kinagat? Oww kawawa naman ay boyfie ko~Kinagat sya ng zombie" Sabi ko at tumawa

Pero nag taka ako nang hindi man lang sya nag salita o gumalaw

Naka zombie pose sya,yung parang sa train to busan.Nakatirik yung mata at yung kamay ay nasa ulo

"Huy! anyare sayo?" Natatawang tanong ko at lumapit sakanya

Inalog ko sya pero wala parin

"Oy di nakakatuwa ah!" Sabi ko

"Key!" Sigaw ko at inalog alog sya

"Anak ng?!" Tarantang sabi ko at hinila sya palabas

Hindi ko naman sya kayang buhatin kaya kinaladlkad ko nalang sya

~~

Hospital

"Ayos na ba sya dok? Bakit nagka ganyan sya?" Nag aalalang tanong ko

"Ehem! Sa pag kakaalam ko isa itong sakit na nagngangalang Aburakatiktik syndrome" Sabi nya

Napakunot ako ng noo.Meron ba nun?

"Huh?"

"Nabasa ko ito mula sa libro na nakita ko sa baol ng gurang kong lola--i mean ng Lola ko.Ito ay panandaliang sakit na dadapo sa tao" Sabi nya

"Panandalian? Mga ilang araw dok?" Tanong ko

"Hmm nung nag ganyan kasi yung lola ko mga 2 taon syang naging isip bata.Para syang baliw nun kasi ang tanda nya na tapos ang isip bata nya ft. bobobobs"

Dapak?! Panandalian lang pala ang 2 taon! Ginagago yata ako ng doktor nato eh! Pasakan ko kaya ng anestisya ang bibig neto at malaman nya ang pag kakaiba ng matagal sa panandalian lang.

"Pero mga 2-3 months lang naman ang sakanya dahil nag papak sya ng 2 plastik ng betsin,isang pack ng pinaghalong asin at asukal at 4 na magic sarap"

Napanganga naman ako sa sinabi nya.

Mababaliw yata ako!

Napatingin ako kay Key na nakahiga sa kama.Naka zombie pose pa rin sya

"Pfft ehem!"

Napatingin ako kay dok na nagpipigil ng tawa habang nakatingin kay Key.Sinamaan ko sya ng tingin kaya nanahimik ito

Tumingin ulit ako kay key at tumitig.Hindi ko maiwasang matawa sa itsura nya.

"Pfft~HAHAHAHA! King ina kapag ikaw gumaling aasarin kita gago hahahha!" Sabi ko

Masama na ba akong gelpren nito? Pinagtatawanan ko yung boypren kong may sakit daw na "Aburakatiktik Syndrome"

Sira ulo yata tong doktor nato daming alam.

Umupo ako sa tabi ni key at inayos ang itsura nyang mukhang err---basta lam nyo na yun hahaha maasar nga "KEY THE ZOMBIE" oh pak diba hahaha.Pero kawawa naman boyfie ko hayy.Bad kayo! pinagtatawanan nyo sya huhuhu

"Mag pagaling ka ah?" Sabi ko at kiniss sya sa noo

Umupo ulit ako at inihilig ang ulo.At hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon