Kabaliwan 26 〒.〒

857 42 1
                                    

Cha Pov

Tuwang tuwa ako habang pinapanood si mitch na tumatakbo

Nakatago ako habang may hawak na camera samantalang si blis ay nag ala killer clown habang may hawak na palakol.Tuwang tuwa pa nga ito dahil kamukha nya na daw si sailor moon.Wtf diba?

Takot kasi si mitch sa killer clown kaya eto hahaha

Napakagat ako sa labi nang nag open na ang elevator

Nagulat ako nang mapaluhod ito.May tao kasi na nakahiga doon at puno ng dugo.It's just a prank kaya buhay pa yun

Lalo akong nagulat nang tumumba ito kaya mabilis kong pinatay ang camera at lumabas sa pinag tataguan

"Shit!" Tarantang sabi ko

"Blis tama na yan" Sabi ko at pumunta kay mitch

"Uy mitch! mitch!" Natatarantang sabi ko habang tinatapik tapik ang mukha nya

"Mam anong nangyari?" Tanong ng lalaki na nakahiga

"Tara kuya dalhin natin sya sa ospital" Sabi ko

Bubuhatin nya na sana si mitch nang biglang lumitaw si key

"Ako na" Sabi nya at dali daling binuhat si mitch

Tumakbo kami palabas pero napahinto ako nang marealize kong sino ang mag d-drive

"Wtf? Sino mag d-drive?!" Tarantang sabi ko

Tahimik naman yung dalawa

Napasapo nalang ako ng noo at nag abang ng bus

"Bahala na kingina" Bulong ko

"Hoy kingina kuya!! stoooopp!!" Sabi ko habang kumakaway pa

Huminto naman ito kaya pumasok na kami

"Anong nangyari mam?" tanong ng konduktor

"Hinimatay ho" Sabi ko

"bakit?"

Sinamaan ko sya ng tingin.Chismoso eh.Nagbayad na ako at pinaypayan si mitch

"A-anong *sob* nangyari sakanya?" Tanong ni key habang umiiyak

Hours Passed

"Huhuhu sorry na mitch gumising kana" Sabi ko habang nakayakap sakanya

Nahimatay daw ito dahil nag halo halo ang nararamdaman nya

"Wahh mitch gumising kana" Umiiyak na sabi ni key

"Huh? Bakit kayo umiiyak?" Tanong ni blis habang kumakamot sa ulo

"Huhuhu mitch nagugutom na ako" Sabi ni key kaya napatingin ako sakanya

"Huhuhu ako din mitch" Segunda naman ni blis

Tumayo ako at hinawakan sa wrist si blis

"Bibili muna kami ng pagkain" Sabi ko kay key

"Nurse pakisamahan naman yung lalaki doon sa room 18" Sabi ko

"Cge po mam" Sabi nya

Mitch Pov

"Uhh"

Dinilat ko ang mata ko at napatitig sa kisame

Hindi ako tanga para sabihin kong nasa langit na ako dahil may nakikita akong insekto sa kisame.

"Ang i-init" Sabi ko

Napatingin naman ako sa side dahil may natamaan ako

Biglang tumulo ang luha ko nang makita ko sya

"Mam? Ayos lang po ba kayo? Gusto nyo po ba ng tubig?" Tanong ng nurse

Pinunasan ko ang luha ko at tumango

Umalis ito at kumuha ng tubig.Nakatitig lang ako kay key na natutulog

Nagulat ako nang mag salita ito

"Huhuhu mitch gising kana"

Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon