Kabaliwan 7 (☍﹏⁰)

1.1K 52 0
                                    

Mitch Pov

Pagkagabihan

Naririnig ko nanaman syang kumakanta ng intro song ng mr.bean.

"Key mag hilamos kana" Sabi ko at tinapos ang hinuhugasang plato

"Okie dokiii" Sabi nya at kumaripas ng takbo

Napabuntong hininga nalang ako saka umupo sa sofa.Pinikit ko ang mata ko dahil sa pagod.Buong araw kami nag kukulitan about sa mga bagay bagay na hindi ko alam kung saan nya nakukuha

Katulad nalang ng...

Flashback

"Mitch?"

"Hmm?"

"Bakit may buhay yung teddy bear ni mr.bean? May lamang loob din ba sya? May kaluluwa ba sya?"

Napasapo nalang akong ng noo at hinilot ito

"Itanong mo sakanya" Sagot ko

"Okay.Mr.bean! May lamang loob ba si teddy? O kaya kaluluwa?" Tanong nya at lumapit pa sa t.v

Maya maya

Humarap sya saakin na nakanguso

"Hindi nya ako nisasagot waaahh!! Huhuhu" Sabi nya at lumapit saakin na naluluha

Pinakalma ko muna yung sarili ko.Kingina baka matuluyan akong mapunta sa mental neto!

"Huhuhu Mitch?"

"Ano?"

"Bakit di nya ako nisasagot huhuhu" Sabi nya habang nakayakap saakin

"Pabayaan mo na sya" Sabi ko habang hinahaplos yung buhok nya

Minutes later

"Mitch"

"Oh?"

"Bakit walang pakpak at paa yung ahas? Bakit yung manok meron?"

Napakamot nalang ako sa noo

"Tanong mo sa nanay nila" Sagot ko

"Cge! Kapag nakita ko sila tatanungin ko sila hihihi"

Napailing nalang ako

End of flashback

At kung ano ano pa

"Tapos na ko miiitcchhh!" Sigaw nya kaya pinatay ko na yung ilaw sa sala at kusina

Pumunta ako ng kwarto at laking gulat ko nang makita ko syang nakazombie pose habang naglalakad papunta saakin.May hawak din sya pulbos na nasa kanang kamay nya kung saan nakalagay ito sa ulo

"H-hoy ano nanamang katarantaduhang ginagawa mo?"

Napahinto naman ito sa paglalakad at umayos

"Katarantaduhan?" Tanong nya at tumingin sa taas

"Ano yun?" Tanong nya saakin

"A-ahh e-ehh hehehe ano..katarantaduhan ang meaning nun ay ano ahm c-cute hehehe" Sagot ko at umiwas ng tingin

"Ahhh...*tango* *tango* mitch lagyan mo ko ng pulbos sa likod" sabi nya at inabot saakin ang pulbos

"Halika dito" Sabi ko at pumunta ng kama at umupo

Sumunod naman sya saka umupo sa harapan ko at tumalikod

Tahimik lang kami habang nilalagyan ko sya ng pulbos sa likod

10 years na kami Key.Simula 10 yrs old ako,kami na.Childhood bestfriend kasi kami kaya ayon umamin sya na may gusto sya saakin.

Kumbaga,maagang lumandi charroot hahahaha.Fling fling palang kami nun hanggang sa tumagal na kami.Syempre sineryoso nanamin.Mabait si key walang bisyo at mahalaga sakanya ang pag aaral.At syempre hindi naman maiiwasan ang problema sa mag ka relasyon.Imbis na ako yung nag seselos sakanya dahil may lumalapit sakanyang babae ay sya ang nag seselos dahil lapitin ako ng lalaki hahaha haba ng hair ng lola nyo! Hindi naman kasi pinapansin ni key yung mga babae atsaka binantaan ko na sila.Pero yung isang babae ay hindi sumunod kaya ayun kinaladkad ko sya palabas ng room at tinali sa hagdanan

Kaya sa takot nila ay umiwa---

"Edi katarantaduhan ka mitch?"

Wtf?!

Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)Where stories live. Discover now