15 || Sa Apat na Sulok ng Kuwarto

1.1K 12 0
                                    

Sa apat na sulok ng kuwarto

Nilibot ko ang aking paningin.

Wala akong makita

Kundi puro kadiliman na,

Bumabalaot pati sa aking pagkatao.

Takot ang aking nararamdaman.

Pakiramdam ko,

Ako lamang ay nag-iisa.

Sa apat na sulok ng kuwartong ito.

Nais kong sumigaw,

Magalit,

O magwala.

Pero ni-isang salita'y wala man lumalabas

Sa aking bibig.

Na tila ba may kung anong nakabara

Sa aking lalamunan.

Walang nagawa kundi pag-iyak

At paghikbi lamang.

Sa apat na sulok ng kuwarto,

Isang kamay na may liwanag. . .

Na sumambulat sa akin.

Sa sandaling iyon,

Naramdaman kong hindi lamang ako nag-iisa.

May nagmamahal pa pala sa akin. . .

---unfinished---

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon