Spoken Tula #004

1.2K 14 1
                                    

Sa tagal nating walang

Koneksyon sa isa't-isa,

Ngayon lamang ako nakaramdam
ng ganitong kaba

Kaba na,

Kay bilis ng tibok ng aking puso

Tila ba gusto na nito lumabas
mula sa aking dibdib.

Ikaw pa rin 'yung dating *insert name*
na nakilala ko noon.

Matalino at,

Malalim kung mag-isip.

Sa punto na,

Sa t'wing ako'y may problema,

Sa'yo ako ay lalapit.

Nahihiya man dahil sa may

Nakakuha na ng iyong puso,

Nahihiya rin na baka isipin mo na,

Kinakausap lang kita dahil kailangan kita.

Mga payo mo na hugot na hugot at

Siguradong matatamaan

Kahit sino man

Kaya nga tinamaan ako sa'yo eh.

Hindi pa man ito ang oras

Para masabi kong

Nakawala na ako sa sakit na dulot mo,

Dahil base sa paglalarawan ko sa'yo,

Halata namang may pagtingin pa.

Pero balang araw,

Makakalimutan ko rin ang sakit

H'wag kang mag-alala,

Hindi naman kita sinisisi

Sa pagiging tanga ko.

Ako lang naman 'tong

Mataas ang pangarap,

Pangarap na maging akin ka,

Na kailan ma'y hinding-hindi

mangyayari.

Hayaan mo, sa oras na tayo'y magkita,

Totoo na ang aking ngiti.

'Yong ngiting malaya na. . . .

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon