Spoken Tula #005

627 12 2
                                    

Author's Note:

This poem is dedicated to @user71876970. Ni-request niya ito para sa kanyang kaibigan na tanga sa pag-ibig. Nawa'y maging daan ito para sa iyong kaibigan sa pagmulat na hindi lang siya dapat mag-stick sa iisang tao. Kung walang pakialam sa kanya, hayaan na niya. Marami pang iba dyan.

Sorry for the late update.

•••

Bes, Gising Na

Hoy, ikaw.

Oo, ikaw na nagbabasa nito.

Alam kong minsan ka nang dumating sa puntong,

Nagpakatanga ka sa maling tao.

Sa taong minahal mo ngunit

Hindi ka naman sinuklian ng pagmamahal.

Nagbigay ng effort pero,

Nasayang lang ang lahat.

Napunta lang sa wala.

Ipinagtatabuyan na ngunit

Pilit pa ring ipinagsisiksikan ang sarili

Nabulag sa pagmamahal.

Nagpaka-tanga,

Nagpaka-gaga, at

Nagpaka-baliw.

Bes, gising na.

Gumising ka na sa kathang-isip na alam mong hindi totoo,

Sa ilusyong hindi mangyayari.

Gumising ka na sa realidad na,

Kailan man, hindi siya mapapasa-iyo.

Bes, gising na.

Kapag ginago ka,

Tama na.

Once is enough, twice is too much,

Thrice is... Katangahan na.

Hindi ka si Jose Rizal, o si Andres Bonifacio,

Na pinagawan ng monumento dahil sa pagiging martyr.

Hindi ka aso para habulin ang maling tao,

Ang taong walang pakialam sa iyo.

Ang taong ipinagtatabuyan ka.

Magtira ka naman para sa sarili mo.

Huwag mong ibigay lahat-lahat

Kasi dulo, ikaw rin ang masasaktan.

Ikaw rin ang talo.

Isipin mo kung ano ang makabubuti sa iyo at hindi lamang kung ano ang ikasasaya mo.

Huwag puro puso ang gamitin, pairalin ang utak.

Magpakatatag ka, Bes.

Huwag kang marupok!

Kasi tandaan mo,

Kung paulit-ulit ka lamang mahuhulog,

Sahig lang ang sasalo sa'yo.

Huwag kang siopao.

Na ASAdong-ASAdo sa lahat ng mga pinangako niya.

Tandaan mo,

Promises are made to be broken

Mga pangakong laging napapako.

Huwag magpadala sa mga mabubulaklak na salita o flowery words sa ingles.

You are not a rock, you are a precious gem.

You deserve more than that.

You deserve to be loved

You deserve to be happy with someone's better not for someone's worse.

Bes, tama na.

Gumising ka na.

Palayain mo na ang iyong sarili na nabubuhay sa imahinasyon

Sa akala mong perpektong pag-ibig,

Tanggapin ang realidad na walang perpektong relasyon,

Na ang pag-ibig ay hindi patas.

Mahal mo ngunit hindi ka mahal.

May pakialam ka pero wala siyang paki sa'yo.

Love yourself first.

Bago ka magmahal ng iba, mahalin mo muna ang iyong sarili.

Hoy, ikaw.

Oo, ikaw nga na nagbabasa nito.

Ilang beses ka mang lokohin o saktan ng mga taong dumating sa buhay mo,

Iwan ka man,

Tandaan mo,

Ibig sabihin lang no'n ay may mas better na plan si God para sa iyo.

Malay mo isang araw,

Makikita mo na pala ang taong nakalaan para sa iyo.

Ang taong makakasama mo habambuhay hanggang kamatayan.

Kaya't magtiwala ka lamang sa Diyos at maghintay sa pagdating ng tamang panahon.

Kaya Bes, gumising ka na sa realidad.

Bago ka pa hindi makabangon at tuluyang makatulog sa mga ilusyon lamang.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon