Spoken Tula #006

435 7 0
                                    

Sa totoo lang,

Tama ka naman eh.

May pagkukulang din ako.

Kung saan,

Hinayaan ko 'yong sarili ko na

Masanay sa isang bagay na hindi naman dapat.

Akala ko,

Kapag hinayaan kita na maging abala

Ay ayos lang sa iyo.

Akala ko,

Mas mainam kung unahin mo 'yong kung ano ang mahalaga.

Na kahit hindi mo na ako isipin.

At akala ko,

Ako lang 'yong nasasaktan pero hindi.

Pati ikaw.

Nasasaktan na, hindi lang nagsasabi.

Hindi ko alam na kailangan mo na pala ako.

Wala ako sa tabi mo noong panahong nag-iisa ka kailangan mo ng kalinga.

Pasensya na.

Dahil sa akala ko, nawala ka na sa piling ko.

Dahil sa sinanay ko 'yong sarili ko na hayaan ka lang,

Kumawala at bumitaw ka na pala.

— anonymous

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon