Spoken Tula #003

1.4K 13 0
                                    

Ang dami kong nalaman

Tungkol sa'yo

Pero bakit sa lahat ay

Iyon pa?

Isa kang atleta

Na naman?

Sa pangalawang pagkakataon,

Nakatagpo ako ng tulad mo.

Natakot ako bigla.

Paano kung katulad ka rin ng

Na una?

Paasa?

Pa-fall?

Ayoko nang maranasan pa iyon.

Alam mo naman sigurong masakit

Ang paasahin ng taong pafall.

Umaasa ka

Kasi nagbigay ng motibo

Nahulog ka

Dahil sa kanyang 'mabulaklak' na salita

Yung totoo?

Nagkataon lang ba talaga ito

O

Talagang nananadya ang tadhana?

Parang ewan lang kasi.

Pilit akong umiiwas na muling masaktan

Sa katulad na tao

Pero ito na naman.

Sabagay,

Sabi nga nila,

Hindi lahat ng lalaki ay pare-parehas

Kaya sino ka para sabihing parehas lang silang

Manloloko at paasa?

Bakit?

Nasubukan mo na ba lahat?

Napaisip ako.

Siguro, kailangan ko nga ulit subukan.

Bakit hindi ko bigyan ng tyansa?

Malay mo, iba pala siya sa lalaking

Nagpaasa sa akin.

Baka nga ibang-iba talaga siya.

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now