Spoken Tula #001

3.1K 17 1
                                    

Sa una nating pagkakakilala,

May tulay na nagdutong

Upang tayo ay magkatagpo.

Sa unang pagkakataong magkausap,

Hindi ko alam kung anong aking mararamdaman

Magiging masaya ba o matatakot?

Hindi ko alam.


Sa isang 'hi',

Doon nagsimula ang lahat.

Sa bawat pag-uusap,

May kalakip na ngiti sa labi.

Nakakatuwa lang

Ang dami nating pagkakatulad sa isa't isa

Para bang tayo lang ang nagkakaintindihan

May mga sariling mundo ba.

Natagpuan ko na lang sarili ko na,

Hinahanap-hanap ang iyong mga korning jokes

O di kaya'y ang mga paunang text

Nasanay akong araw-araw tayong magkausap.

Nakaramdam ako ng takot.

Natatakot ako para sa aking sarili

Paano kung mahulog ako?

May plano ka bang saluhin ako?

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon