Spoken Tula #007

565 5 0
                                    

Nang makilala kita,

Hindi ko maikaila kung gaano

Nagningning ang aking mga mata

Mga matang kay tagal nang nangingislap,

Naghahanap ng pagmamahal na karapat-dapat

Pakiramdam ko'y ako na

Ang pinaka masayang nilalang sa balat ng lupa.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana

Napakagago.

Hindi ko maintindihan.

Bakit kung kailan nahuhulog na tayo sa isa't-isa

Saka ka susuko?

Bakit kung kailan marami na tayong pinangarap

Nang magkasama,

Mga planong kasabay nating binuo.

Dalangin na ikaw lamang siyang nilalaman,

Ay bigla ka na lamang bibitaw?

Kaya ngayon,

Itong puso ko'y nagdurusa,

Naghihinagpis, at nalulumbay.

Puso kong sugatan

Na hindi ko alam kung maghihilom pa.

Puso kong pinangako mong aalagaan mo

Ngunit....

Napawi lamang ang lahat nang iyon.

Sa hindi malamang dahilan.

Bigla ka na lamang nawala sa isang iglap.

Hinanap kita sa apat na sulok

Nang mapagtanto ko'y ako na lamang ay nag-iisa

Sa kadiliman at walang patutunguhan.

Palingon-lingon at nagbabakasakaling babalik ka pa.

Iniisip na baka panaginip lamang ang lahat.

Ngunit wala.

Walang bakas ng pagbabalik.

Tuluyan ka nang lumisan at bumitaw.

Ito'y isang katotohanan na

Ako na lamang na mag-isang lumalaban

At naiwan sa gitna ng  mundong mapait...

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon