C57: The End

99.2K 2.4K 918
                                    

 

"She who saves a single soul, saves the universe." 
― Lewis Carroll, Alice's Adventures in Wonderland & Through the Looking-Glass

--------------------------------------------x

LUNA'S POV

NAKATINGIN PA RIN SA AKIN nang deretso si Mr. Laketon. Narinig kong nagsalita si Sapphire at tinanong sa matandang 'to kung ano ang gagawin niya sa amin. Bigla akong napayuko at may napansin ako sa may paa ko. Bago pa man ako makatingala muli ay narinig ko ang simpleng sagot ni Mr. Laketon sa tanong ni Sapphire.

"Si Luna lang ang makakapagsabi."

At noong narinig ko ang sinabi niya, saka ko napagtanto ang dapat kong gawin.

Ngumiti ako kay Mr. Laketon bago magsalita.

"Bakit hindi ka muna makipaglaro, Mr. Laketon? Tutal, gustong-gusto mo ng mga laro hindi ba?"

Mukhang nakuha ko ang buong atensyon niya.

"Kung matatalo ako sa larong ito, papatayin ko si Sapphire sa mismong kwartong ito at sasabihin ko sa'yo kung nasaan. At sigurado akong papatayin mo rin ako 'nun." Naramdaman kong hinawakan ni Sapphire ang balikat ko ngunit tinabig ko ang kamay niya. "At kung mananalo ako, papatayin kita mismo sa kinatatayuan mo ngayon."

Ngunit tumawa nang tumawa si Mr. Laketon. Napakunot ang noo ko dahil sa nakakarindi niyang tawa.

"Bakit ko naman gagawin iyon, Luna? Ako ang may hawak ng larong ito. Ang kailangan mo lang ay sabihin sa akin para makaligtas ka."

At sa pagkakataon na iyon, ngumisi ako sa kanya.

"Ikaw ang may hawak ng laro? Gusto ko lang sabihin sa'yo Mr. Laketon, na nagkakamali ka." Inirapan ko siya bago nagpatuloy. "Kahit anong gawin mo, ako pa rin ang kailangan mo. Kung wala ako, hindi mo mahahanap kung nasaan ang ebidensiya laban sa'yo." Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. "Sana naisip mo rin na, paano kung wala sa bahay ang ebidensiya na iyon? Paano kung pinadala ko na iyon sa media? Paano kung paparating na iyon sa kamay nila? Paano kung may tao akong pinagbigyan para siya ang maghawak nito?"

Lumapit pa ako sa kanya.

"Tulad ng sinabi mo kanina, ako lang ang makakapagsabi. Ako lang ang pag-asa mo at kung mamamatay ako, paano ka na?"

Kitang-kita ko ang pagsama ng mukha ng lecheng matanda.

Sa loob-loob ko, nadiriwang na ko. Naloloko ko na siya. Siya ngayon ang malalaglag sa patibong ko.

Bakit?

Dahil lahat ng sinabi ko ay kasinungalingan. Nasa bahay lang ang binigay sa akin ni Spade ngunit nakatago ito nang mabuti. Kaya kung sakaling pinasok na nila ang bahay namin, hindi niya ito makikita.

Ako lang din ang nakakaalam.

Ngumisi si Mr. Laketon.

"Matalino ka nga talaga, Luna. Pero hindi mo na kailangan pang mag dalawang-isip. Magtiwala ka. Nanalo sa laro si Yuko, dahil sa pakikipagkasundo niya sa akin. Pinatay ko ba siya? Hindi ba, nakaligtas siya? Luna, hindi ako ganun katuso. Kung sinabi ko, gagawin ko."

Pwes, ako ang tuso ngayon.

"Ayokong makipaggaguhan. Hindi ako basta-basta nagtitiwala. Sabihin mo, Mr. Laketon, gaano kahalaga ang pera sa'yo? Dahil lahat ng iyon ay mawawala kung malalaman ang mga kalokohan mo sa loob ng sarili mong eskwelahan."

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon