C49: Pitch Black

87.3K 2K 292
                                    


"People often believed they were safer in the light, thinking monsters only came out at night. But safety – like light – is a façade." ― C.J. Roberts, Captive in the Dark

--------------------------------------------x


MIAKA'S POV


SINILIP KO ANG ORASAN. Saka ko napansin na bilang na lang pala ang oras bago ang party na 'yon. Nasa harapan ko si Sapphire. Nakatali. Nakatakip ang bibig ngunit matalim pa rin ang tingin sa akin. Ang kapal talaga ng mukha niya. Wala ng makakapantay sa lakas ng loob niya.

Marahas kong tinanggal ang tape na nakatapal sa bibig niya.

 "Long time no see, Miaka." Bati pa niya.

Isang sampal agad ang sinalubong ko sa kanya pagkasabi niyang iyon. Kumukulo ang dugo ko. Kapag hindi ako makapagpigil baka mas malala pa ang matanggap niya. Tumingin lang ulit siya sa akin at malakas ulit ang loob na ngumiti nang matamis na akala mo ay magkaibigan kami.

"Buti nakakangiti ka pa sa taong muntik mo ng mapatay noon?" matigas kong pagkakasabi.

"Buti nakakaharap ka pa sa taong muntik ng pumatay sayo noon? Hindi ka na ba natatakot, Miaka?" at isang sampal na naman ang nakuha niya sa akin.

"Ang kapal talaga ng mukha mo Sapphire! Ikaw ang may kasalanan ng—" ngunit bigla siyang nagsalita.

"Ako? Miaka, alam mo ba yang mga sinasabi mo? Kasi alam kong alam mo na si Hanako ang may kasalanan. Siya, hindi ako. Kung muntik man kitang mapatay, siya ang dapat mong sisihin!" sabi pa niya. "Mula noong sinabi sa akin ng buong klase ang nangyari. Pilit kong binalik ang alaala na iyon sa utak ko at alam mo ang nalaman ko?"

Napaatras ako. Hindi ko dapat siya pakinggan. Puro kasinungalingan lang ang sasabihin niya. Lolokohin lang niya ako tulad ng lagi niyang ginagawa noon! Hindi totoo ang mga sinasabi niya!

"Si Hanako ang may plano ng lahat ng iyon. Alam mo kung bakit ikaw ang pinapunta niya sa party? Kasi gusto niyang pahirapan ka namin—"

Agad akong sumigaw, "Hindi! Kasinungalingan iyan! Pinapunta niya ako roon kasi hindi niya kayang humarap sa lahat. Pinapunta niya ako roon kasi iyon ang utos mo sa kanya!"

Ngunit nagpatuloy lang din ulit si Sapphire sa pagsasalita.

"Hindi, Miaka. Kapatid ko si Hanako at kahit na kapatid ko lang siya sa ama, alam ko ang takbo ng pag-iisip niya. Pinapunta ka niya roon kasi gusto ka na niyang mawala sa buhay niya! Ayaw na niya sa sobrang pagka-possessive mo! Siniraan ka niya sa akin. Madami siyang sinabi na masama na kinagalit ko. Hindi naman kita siguro susugurin ng walang rason di ba? Lasing na lasing ako 'nun, Miaka."

"Hindi! Wag mong siraan si Hanako!" muli kong sigaw.

Nanlaki ang mga mata niya sa akin at ang mga sunod niyang sinabi ay mas sinabi pa niya nang malakas, "Maniwala ka Miaka. Si Hanako ay may pakana 'nun. Gusto ka niyang mawala sa piling niya, gusto niyang kumawala sa'yo. Inabanduna ka niya mula pa noon. Masyado ka lang naniniwala sa pagkakaibigan nyo pero nagsawa na siya. Tulad ng pagkasawa niya kay Blake. Kilala mo naman siya di ba? Madali siyang magsawa. Matagal na siyang nagsasawa sa'yo."

Dalawang magkasunod na sampal ang binigay ko muli sa kanya.

"Huwag na huwag mong sasabihan ng masama si Hanako sa harapan ko! Mas kilala ko siya. Kaibigan ko siya!" at isang sampal na naman ang pinakawala ko sa kanya. Hinawakan ko siya nang marahas sa panga at itinaas ito sapat para magkatitigan kami. "Hintayin mo lang Sapphire, masasaksihan ng lahat ang kamatayan mo. Mas matindi pa ang mararanasan mo. Intayin mo lang."

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon