C3: She, who forgets.

252K 3.9K 1.5K
                                    


"Sapphire, the shattered jewel."

--------------------------------------------x

LUNA'S POV

 

"TULUNGAN nyo ko! Dalhin natin sa clinic si Sapphire!"

Napatingin ako sa harapan kung saan buhat buhat ng isang lalaki yung tinatawag nilang Sapphire. Nanginginig ang babae at humagulgol habang nandidilat pa ring nakatingin sa dugo na patuloy na umaagos sa mga pagitan ng mga tiles sa classroom. Agad na nagsilapitan ang karamihan. Nahihirapan ang nagbubuhat sa kanya dahil sa pagwawala na ginagawa niya kaya tumulong na rin ang iba.

Tinignan ko muli ang ulo na nakalagay sa locker. Nakakapangilabot. Lalo na yung narinig namin. Sa tingin ko, hindi ko pa naririnig ang mga katagang iyon sa buong buhay ko. Pinalabas ang lahat ng adviser namin at iilan lamang ang natira sa loob kasama niya. Lilinisin daw nila ang sitwasyon.

Nakakapagtaka. Bakit kailangan pa niyang pagtakpan ang mga ito? Bakit kailangan pang maging sikreto ng nanyari? May dahilan ba?

May pinoprotektahan ba siya?

Naalala ko muli ang sinabi ni Mr. Laketon.

"Gusto ko, lahat ng bagay ... malinis."

Sumunod ako sa mga kaklase namin papuntang clinic. Nagsisistinginan ang mga estudyante sa pagdaan namin at tila ba'y takang-taka sa nanyayari. Sumunod ang ibang estudyante na nagmamalasakit kay Sapphire ngunit pinaalis ng iba ang mga iyon. Nang nakarating kami sa unang palapag kung saan nasa dulo ang clinic ng high school department ay biglaan na lang nahimatay si Sapphire kaya mas lalong binilisan ng mga kaklase namin na nagbubuhat sa kanya ang paglalakad.

Sinalubong kami ng isang palangiting nurse at pinahiga niya si Sapphire sa pangatlong kama mula sa dulo. Pinaalis muna kami at dahil sa wala rin naman akong pupuntahan ay tahimik akong umupo sa mahabang silya sa labas ng clinic habang ang iba naman ay nagsi-alisan na upang bumalik sa classroom. Kaunti na lang kaming natira.

"Diba, may phobia siya sa dugo?" Tanong ng isa sa kanila. Cyrus, is It normal ba na ganun siya mag-react?" Pangalawang tanong ng isang alalang-alala na kaklase namin.

"Hindi ko alam Aislinn, ito ang u-unang beses na nanyari ito." Sabi ng lalaki kasabay ng pag-upo niya sa pinakadulo ng upuan ngunit halata pa rin ang kaba na nadarama niya."Ang gulo ng nanyayari sa klase natin."

"Maari kayang," tumayo ang isang lalaki sa harap namin at ilang segundo ay pinagpatuloy niya ang dapat niyang sasabihin. "Maari kayang, konektado ito sa pagpapakamatay ni Hanako? Baka baka naghihiganti siya."

"Stop that Austin. Kahit naman ganun ang nangyari, hinding-hindi gagawin ni Hanako ito sa klase natin at naniniwala ka ba sa mga bagay na ganyan, hindi tayo nasa pelikula." Sabi 'nung babaeng tinatawag nilang, Aislinn. "Ang bumabagabag lang sa akin, bakit sa klase natin nangyayari ito?"

Aalis na sana ako dahil wala naman akong napapala sa usapan nila. Puro mga duwag lang ang naririnig kong nagsasalita ngayon.

"Bigla ko tuloy naalala. Ang mga nangyari noon sa last batch ng 3-C." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Baka matulad din tayo sa kanila, n-namatay sila. N-Naalala nyo ba yung nakasabit na bangkay ni kuya Kevin sa hallway? Ta-Tapos yung nakitang putol putol na katawan ng isang taga-3-C sa c.r. tapos yung—" Napakatakip siya sa bibig niya na para bang natatakot ang itsura sa pag-iisip palang ng mga maaring manyari.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon