C40: Eliminate the wolves.

113K 2.2K 1.1K
                                    


"Eliminate the wolves. Kill them before they consume you."

--------------------------------------------x

RAPHAEL'S POV


NAGTATAKA PA RIN ANG LAHAT at nagtatanong-tanong sa isa't-isa kung ano ang rason at pinatawag ang buong klase rito sa gymnasium. Nakatingin lang ako sa kawalan at pilit na pinapakalma ang sarili ko dahil sa lahat ng nangyari kanina. Biglaan. Masyadong mabilis. Nakakapanlumo ang nasaksihan ko.


Patay na si Sandria.


Isang malakas na tunog galing sa isang orasan na maaring nakakonekta sa speaker ng school at nagpaalarma sa lahat. Nasa classroom kami 'non at natahimik ang lahat. Tila ba'y pamilyar at inaasahan na namin na may kakaiba na namang mangyayari.
Hanggang sa totoo nga ang kutob ng lahat.

 

Agad kaming nagsilabasan ng classroom at mula sa kinatatayuan naming hallway ay tanaw na tanaw namin ang kabilang building na ang elementary building.

 

Agaw pansin ang nakatayong tao roon na katapat lamang namin. Para siyang istatwa na nakaharap sa mismong kinatatayuan namin. Deretso lang siyang nakatayo. Balot na balot siya ng itim na jacket. Sa isang tingin palang, alam ng doble o kaya triple ang suot niya. Ngunit ang mas kapansin-pansin ay ang malaking nakapatong sa ulo niya na para bang isang malaking maskara o kaya ang sinusuot ng mga mascot ngunit hindi ito gaano kabigat sa isang tingin palang. Isang malaking ulo ng puting kuneho na may dalawang malaking at pulang mga mata.

 

Hindi siya gumagalaw.

 

"Siya! Siya siguro ang killer!" biglang sigaw ng isa sa klase. Agad na nagsitakbuhan ang iba kasabay na rin ng ibang  taga-4A. Maski ako ay tumakbo na rin dahil sa ayaw kong makadabangga-bangga sa bilis ng takbo ng lahat.

 

Nakarating kami sa ikatlong palapag ng elementary building. Hingal na hingal ang lahat. Nasa likuran na rin namin ang mga guards pati ang ibang staffs at mga teachers. Walang anu-ano'y hinila ng isa sa amin ang nakatayo kanina.

 

Nanlaki ang mga mata namin ng bumagsak lang ito sa sahig.

 

Isang mannequin lang pala.

 

"Tangina!" sigaw ni Austin habang papalapit sa mannequin at sinipa-sipa ito, "Niloloko lang tayo ng killer eh!" muli niyang sigaw.

 

Muling natameme ang lahat ng narinig muli namin ang isang alarm na pamilyar—yung alarm sa speaker. Agad akong lumingon-lingon.

 

"Wag kayong maingay," utos ko sa lahat.

 

Agad akong lumapit sa isang kwarto at sa paglapit ko ay nararamdaman ko ang paglakas ng tunog. Tama, dito nga.

 

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon