C35: Someone is back.

120K 2.2K 1.6K
                                    


"There is no such thing as justice, all the best that we can hope for is revenge." —Emilie Autumn


--------------------------------------------x

MIAKA'S POV


NAKANGITI akong habang nasa harapan ko siya. Kaming dalawa lang ang nandirito. Maaga siyang pumunta sa bahay habang suot na ang kanyang uniporme, ang uniporme ng Laketon Academy. Hindi ko rin alam kung bakit siya nandito ngunit masaya ako. Masaya ako dahil mukhang isa ako sa mga pinagkakatiwalaan niya.


Ngunit ang nakapagtataka, hindi siya ang nagpadala ng card kay Mr. Laketon. Kung hindi siya, sino naman kaya?


"Kamusta na si Aislinn?" tanong ko sa kanya pagkatapos ang ilang minutong katahimikan.


"Ayos naman siya. Hindi ko lang talaga siya mapatahan noong nalaman niya ang pagkamatay ni Cyrus. Galit na galit siya. Gusto niyang—"


"Gusto niyang patayin si Austin?"wika ko bago pa niya matapos ang sasabihin niya. Tumango siya habang nakangiti bilang tugon.


"Hindi ko rin alam ang manyayari kay Sapphire. Nag-aalala ako para sa kanya."


Napakunot ang noo ko. Si Sapphire na naman. Siya na naman ang importante. Siya na naman ang tila ba isang mamahaling salamin na hindi dapat mabasag. Importante siya sa lahat. Mahal siya ng mga taong dapat ay sa akin kumampi. Si Sapphire na lang palagi. Nakakairita na.


"At talagang sinabi mo pa yan sa harap ng taong muntikan na niyang mapatay. Sabihin mo nga sa akin, ano bang maganda sa Sapphire na yan at parang sobrang importante niya sa inyo?" napatayo ako dahil sa inis. Tinitigan ko lang siya gamit ang mga nanlilisik kong mga mata ngunit kalmado lang siyang nakatingin sa akin na para bang wala lang ang lahat ng ito sa kanya. Palagi naman.


"Pasensiya ka na, Miaka, hindi ko lang napigilan ang sarili ko sa pagsasalita." Pumaibaba ang tingin niya na para bang nag-iisip at muling nagsalita. "Anong maganda kay Sapphire? Siguro dahil hindi siya mapagpanggap. Siguro dahil kahit masama ang turing niya sa iba, nanatili pa ring siyang mabait sa loob niya. Hindi mo kasi siya naiintindihan Miaka." Napangiti pa siya sa pagkakasabi niya 'nun.


"Hindi ko siya dapat intindihin. Pinahirapan niya kami ni Hanako. Niloko niya si Hanako! Pinilit niyang gawin ni Hanako na abandunahin ako! Pinaglayo niya kami! At muntik na niya akong patayin!" lumapit ako sa kanya. "Paano ko siya maiintindihan?"


"Alam kong galit na galit ka sa kanya at hindi ko rin naman maitatanggi na siya ang mali sa lahat pero Miaka, alam mo ba kung bakit balak kong traydurin ang grupo?" napatingin lang ako sa mukha niya, may emosyon ang mukha niya ngunit hindi ko malaman kung lungkot ba o tuwa. "Gusto ko kasing maligtas ang mga natitira. Lalo na yung mga wala naman kinalaman. Base sa dapat nating gawin, base sa sinabi ni Mr. Laketon, dapat tayo lang ang matira. May pinoprotektahan ako Miaka at wala siyang kinalaman sa lahat ng ito. Importante sa akin ang mga kaklase natin. Masama man si Sapphire, importante pa din ang buhay niya."

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon