C29: Lifesaver.

135K 2.4K 1.3K
                                    


"There are two kinds of people in this world, son. Those who save lives, and those who take lives." ― Brandon Sanderson, The Way of Kings


--------------------------------------------x

BLAKE'S POV


NAGSIALISAN ang mga katulong nang nakaupo sa sofa na katapat ko si nurse Tin. Inilapag ko ang hawak kong libro sa kaliwa kong kamay at muling tumingin sa kanya.


"Tinutulungan mo ang 3-C? Nabalitaan namin na kinuwento mo ang lahat kay Luna lalo na yung pagtakas mo sa punishment room." Hindi siya nagulat sa sinabi ko, marahil ay alam na rin naman niya. "Akala ko ba, hindi ka talaga mangingielam katulad ng ginawa mo sa batch nila Ash pero mukhang nagkamali ako, anong nangyari?"


Ngumiti siya sa akin ngunit alam kong isang sarkastikong ngiti lamang ito. Lumingon muna siya sa dumating na katulong at kinuha ang binigay nitong tea. Humigop muna siya sa hawak niyang tasa bago tumugon. "Nakita ko ang sarili ko sa kanya. At sinasabi mong hindi nangielam dati? Mukhang ngayon ka lang nagkamali Blake." Naguluhan ako sa mga sinasabi niya. Mali ako? Impossible. "Akala mo ba nagtagumpay si Mr. Laketon noon? Hindi mo ba naisip na kaya mas lalong kumikilos ngayon si Mr. Laketon dahil hindi umayon sa kanya ang lahat sa last batch ng 3-C. Natapos ang laro nang hindi niya naayon sa plano niya. Dahil kahit siya, niloko ng mga sarili niyang manlalaro."


"Ano? Ang gulo." Wika ko sa kanya.


"Magulo talaga Blake kung si Mr. Laketon lang ang pinaniniwalaan mo." Ito ang unang pagkakataon na wala akong masabi sa harap ng isang tao. Si nurse Tin, sa tingin ko, hindi naman siya nagsisinungaling. Pero ano ba tong mga pinagsasabi niya?  "Tutal, nandito rin naman ako," ngumiti ulit siya sa akin. "Nakausap mo na ba si Sir Buendia mula noon?" nawala ang maaliwalas na ekspresyon sa mukha ko nung narinig ko ang pangalan ng taong nanakit nang paulit-ulit kay Hanako. Ang taong dahilan ng sobra niyang kalungkutan.


Alalang-alala ko pa ang araw na iyon.


"Sir." Nawala ang ngiti niya sa mga labi nang lumingon siya sa akin. Nagtanong siya kung ano ang kailangan ko ngunit hinigit ko lang ang braso niya at hinatak palayo, papunta sa isang lugar kung san makakapag-usap kami nang maayos.

 

"Anong kailangan mo, Blake?" Tanong pa niya.

 

Itinaas ko ang hawak kong envelope na agad naman niyang inabot. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang mga litrato na nakuha ko naman sa isang kumakalat na video sa buong Laketon Academy. Isang video kung san pinagsama-sama ang iba't-ibang litrato nila ni Hanako. Karamihan dito ay litrato ng paglabas at pasok nila sa isang motel, pagkain sa isang restaurant pati ang pagpasok at labas ni Hanako sa bahay ni Sir Buendia.

 

"Naniniwala ka naman sa mga ito?" Tanong niya sa akin.

 

"Kaya nga kita kinonpronta ngayon para makasigurado. Totoo ba ang mga ito?" Kinagulat ko ang biglaan niyang pagngisi. Anong ibig sabihin naman nito?

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon