C10: Sleuth.

166K 2.8K 645
                                    


"There are two kinds of secrets. The ones we keep from others and the ones we keep from ourselves." ― Frank Warren 

--------------------------------------------x

LUNA'S POV

KAKATAPOS lang ang unang klase namin. Kakaalis lang ni teacher Maeganne at bago siya tuluyang umalis ay binalita niyang may dalawang lumipat sa ibang eskwelahan, 23 na lang kami. Wala pang dumarating na teacher at tiyak kong hindi na naman papasok ang teacher namin sa pangalawang klase. Palagi na lang ganyan. Tahimik lang akong nakaupo habang pinagmamasdan ang buong klase. Bigla kong naalala si Denise, ano kayang reaksyon niya noong napunta siya sa klase na to? Ganito rin ba ang nanyari? Sa ganito rin ba siya namatay?

Ayoko man isipin ngunit sa tingin ko, kapareho namin ang nanyari sa klase nila. Kung paano ay hindi ko pa alam. Napatingin ako sa gilid kung saan may nanyayaring diskusyon sa pagitan ng isang grupo at grupo ni Sapphire. Hindi ko sana papansin dahil wala naman akong mapapala ngunit sadyang kapansin-pansin ang pinag-uusapan nila.

"Hindi ba ikaw naman ang pumapatay! Sabihin mo na sa amin, ikaw ang pumatay kay Hanako, kay Lizzy at kay Celina. Wag ka nang magkaila Sapphire. Sa lahat ng nandito, ikaw lang ang makakagawa niyan!" lalapit pa ang babae sa kanya ngunit pinigilan siya ng lalaking nasa likuran niya. "Clyde! Ano ba?!" muli siyang humarap kay Sapphire na parang wala namang pake sa sinasabi niya at nakatingin lang sa phone nito. "Humarap ka nga sa akin Sapphire! Hindi mo ba talaga alam? Hindi mo ba talaga naalala? O parati mong dinadahilan yang phobia mo na yan?!" sa pagkakataong iyon ay humarap na si Sapphire na nanlalaki ang mga mata sa kanya. "Sapphire, ikaw ang pumatay sa kanya! Nakalimutan mo na ba talaga?! Sapphire ikaw ang pumatay kay—" hindi natapos ang mga sinasabi niya nang biglaan siyang itulak ni Cyrus.

Sino? Sino ang pinatay ni Sapphire?

"Pare naman! Wag kang manakit ng babae!"sigaw nung Clyde kasabay ng pagtulak niya kay Cyrus. Bigla akong napaisip. Tama... yung tanong  ko kay Katherine. Sigurado na ako... hindi nga iyon ang unang beses na inatake si Sapphire. Tama ako. Hindi ito ang unang beses na may namatay sa klase nila.

"Mananakit ako para kay Phire. Patahimikin mo yang kaibigan mo Clyde kung ayaw mong kami ang magpatahimik sa kanya." Babala ni Cyrus bago bumalik sa tabi ni Sapphire. Nakita ko namang itinayo nung Clyde yung babae. Pinagpag nito ang palda niya at kahit ayaw ng babae ay umalis sila sa loob ng classroom.

Pinagmasdan ko muli si Sapphire na nakatayo at para bang gulat na gulat. Lumapit sa kanya ang matalik niyang kaibigan na si Aislinn kasama ng lalaking lagi nitong kasama. Austin ata ang pangalan nun. "Wag kang makinig sa kanya Sapphire. Ako na mismo ang nagsasabi sayo na walang nanyaring ganun." Itinaas nito ang kamay niya na parang nangangako. "Kahit kailan hindi ka gumawa ng ganung bagay. Diba Austin?" lumingon ito sa katabi niya at tumango naman iyon.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Napag-isipan ko, kung gusto kong malaman ang lahat. Kailangan kong makisama. Kailangan kong makibagay. Tumingin muli ako sa buong klase, may kanya-kanya silang pinag-uusapan, may kanya-kanyang mundo.

"Hoy tanga." Tawag ko sa katabi ko. Tinignan naman niya ako nang masama ng narinig niya ang tinawag ko sa kanya. "Kailangan ko kayong makausap ni Sandria. Sa labas." Tuloy tuloy kong sinabi. Kahit papano, may nararamdaman akong kaba. Hindi normal ang ginagawa ko para sa akin. Hindi ko ugaling manghingi ng tulong o tumanggap man lang ng tulong mula sa iba. Ngunit wala na akong magagawa. Ilang beses ko na itong pinag-isipan. Maaring hindi ko kayang mag-isa at sa paraan na ito, mas marami akong malalaman.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon