C34: The Prodigal son.

118K 2.1K 775
                                    


"People who claim that they're evil are usually no worse than the rest of us... It's people who claim that they're good, or any way better than the rest of us, that you have to be wary of." 
— Gregory Maguire, Wicked: The Life and Times of the Wicked Witch of the West


--------------------------------------------x

MIAKA'S POV


NAKATINGALA lang ako habang nakangiting tinitignan ang bangkay ng nanay ni Hanako. Sa pagkakaalam ko, Maeganne ang pangalan niya. Nakasabit lang ang bangkay niya doon kagaya ng nangyari kay Hanako. Biglang nanliit ang mga mata ko dahil sa nakita kong may dugo na tumutulo mula sa gilid ng kanyang noo.


"Sinong nagsabing pwede nyong sugatan ang biktima? Hindi ba, dapat malinis lalo na't ang plano ay gawin ang ginawa natin kay Hanako?"Nagulat ako sa sarili kong sinabi dahil sa pangalawang pagkakataon, nabanggit ko na naman ang tungkol sa pagkamatay ni Hanako—mali—sa pagpatay namin kay Hanako.


"Yan lang ang magagawa ko para hindi siya makatakas. Hindi mo alam kung gaano kahirap habul-habulin yan, wala ka namang ginawa. Lumayas ka lang tapos ngayon, nagrereklamo ka dyan. Psh." Kahit kailan talaga, napakadaming sinasabi ni Austin.


"Feeling niya kasi siya ang leader dito. Eh siya naman yung walang ginagawa kung hindi tumunganga at ayusin ang bangkay kapag ipapakita niya. Walang kwenta." Sabi pa ng katabi ni Austin habang nakapameywang. Ang arte talaga.


"Tumigil na nga kayo." Napalingon naman ako sa kanya na nakaupo sa pangalawang upuan sa likuran. Nakataas ang paa niya at nakatingin lang sa amin. "Tapusin na natin ito para makaalis na tayo dito sa Laketon, baka magising na ang guards. Alas-tres na ng madaling-araw, wala pa tayong tulog." Kalmado niyang sinabi.


Hindi ko sila pinansin. Kumuha na lang ako ng upuan at tumayo roon. Matangkad ako kaya abot ko ang noo ng teacher na 'to. Lumingon ako sa kanya na nakatayo sa likuran ko, may hawak siyang puting panyo at inaabot sa akin. Kinuha ko ito at sinimulan na punasan ang dugo sa noo ng teacher, ang nanay ni Hanako. Ang unang taong umabanduna sa kaibigan ko.


"Tapos na." Sabi ko habang itinatabi ko ang upuan na ginamit ko.

Tinignan ko silang apat. Kaming lima, kaming lima ang nasa likod ng lahat ng ito. Ang pagkamatay ng lahat kahit na ang pagkamatay ni Hanako. Napangiti na naman ako, pangatlong beses ko ng naisip ang pagkamatay ni Hanako.


Hindi namin siya trinaydor. Siya ang unang gumawa 'nun sa amin. Siya ang nakaisip ng lahat ng ito. Siya ang may plano ngunit siya rin ang unang-una na muntik ng sumira nitong lahat ng pinaghandaan namin. Muntik na niyang isabutahe ang lahat at mabuti na lang, nakaisip kami ng magandang paraan para patahimikin siya—ako lang pala.


"Miaka ... ano yang hawak mo?" ang saktong sinabi niya 'nun habang takot na takot na tinitignan ang hawak kong lubid. Lumuhod siya sa harapan ko. "Miaka, itinigil na natin ito. Nagbago na ang i-isip ko, walang kwenta ang paghihiganti. Hindi kasalanan ni Sapphire ang lahat, hindi niya sinasadya. H-Hindi sinasadya ng buong 3-C ang lahat. M-Miaka, patawarin mo na lang sila." Ang sunod pa niyang sinabi na mas nagpakulo ng dugo ko.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon