C16: Lifeless. (part 1)

145K 2.3K 792
                                    


"Aislinn, the hostile daughter."

 

--------------------------------------------x

SAPPHIRE'S POV


PATAKBO akong lumapit kay Austin at Clyde na nasa bungad ng hospital. Walang anu-ano ay hinatak agad nila ako papasok na para bang may humahabol sa aming mga multo. Hindi na lang ako nagsalita o nagreklamo man lang at sumunod na lang sa kanila. Kung ano man ang nanyari kay Aislinn... paniguradong hindi maganda ito.

At huwag naman sanang iyon ang dahilan.

Kung hindi, baka kung ano ang masabi kong masama kay Aislinn pati na rin kay Austin. Hindi naman sa kasalanan rin ito ni Austin pero dapat may ginawa siya. Dapat dati pa siyang kumilos laban dito pero nagpakatanga lang siya. Para saan? Para sa wala.

Hingal na hingal kaming tumigil sa isang kwarto. Room 101. Sumilip ako sa pintuan saka ko nakita si Tita Jane, ang nanay ni Aislinn na nakaupo sa gilid ng kama. Sa lahat ng ginawa ni Aislinn hindi ko lubos maisip na kaya pa siyang hawakan sa kamay ng kanyang ina at iyakan habang nahihimbing siya dahil kung ako si Tita Jane, itinakwil ko na siya.

Masama man pero totoo.

"Anong nanyari?" matigas na pagkakasabi sa kanilang dalawa. "Ano na naman bang ginawa ni Aislinn?" saka ko lang napansin na nandirito rin pala ang iba. Si Katherine at si Abigail.

Nasan si Cyrus?

Tinignan lang nila ako. Halatang kinakabahan sila. Tinignan ko sila isa-isa. Pumameywang ako saka muling nagsalita. "So, ano to? Tangahan lang? Na-ospital ang kaibigan ko tapos walang magsasabi sa akin kung bakit? Huwag nyo nga kong gawing tanga." Huminga ako upang kumalma at muling nagtanong. "Anong nanyari kay Aislinn?"

"Kasi Sapphire... medyo ano..." kinakabahang sabi ni Katherine. "Medyo nakakailang sabihin eh. Masyadong private." Napakunot ako ng noo sa narinig ko sa kanya. Kahit kailangan talaga, nakakainis tong babaeng ito.

Humarap ako kay Clyde. Medyo katulad na siya ng dati ngayon, kalmado na siya at nakatingin lang sa akin bago nagsalita. "Naglaslas si Aislinn. Mabuti at naagapan pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang malay. Medyo marami na rin kasi ang nawala sa kanyang dugo, kaya kailangan din niya ng blood donor as soon as possible." Tumango-tango ako. Mukhang alam ko na ang dahilan.

"Opinyon ko lang ha Sapphire, wag kang masyadong O.A. Ayos na yang kaibigan mo. Nagfi-feeling sleeping beauty lang siya." Umirap siya bago umiwas ng tingin. "Bakit pa ba kasi ako napasama dito? Tss." Narinig kong bulong ni Abi habang nakapameywang at nakatingin sa pader. Hindi ko pa rin nalilimutan lahat ng sinabi niya sa akin.

Ah tama... hindi pa ko nakakaganti. 

"I don't remember asking for your opinion, Abi. And by the way, madami pang libreng rooms diyan. Baka gusto mong ma-confine ka nang wala sa oras?" tuloy-tuloy kong sinabi sa kanya.

Humarap siya sa akin at ngumisi. "Bakit... papatayin mo rin ba ako?"

"Tanga ka talaga eh no? Kung papatayin kita, hindi ka na iko-confine. Ide-deretso na kita sa hukay. Hindi ka naman kailangan dito. Feel free to leave. " Pagkatapos kong magsalita ay hinatak ko agad si Austin palayo. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong malaman ang dahilan... at kung tama ba ang hinala ko.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon