C28: Behind those lies.

128K 2.2K 610
                                    


"He yearns..."


--------------------------------------------x

CYRUS' POV

 

"ANO yang sinasabi nyo na nawawala si Paula?!" sigaw ko sa mga katulong namin. Ang pangit na nga ng nanyari sa school tapos ito pa 'tong dadatnan ko sa bahay? Pakshet. Nakakairita talaga. Napasuntok ako sa lamesa dahil sa inis at pagkatapos nun ay ibinato ko ang vase na nakapatong rito. Nagulat ang mga katulong sa ginawa ko. "Ano pa bang tinutunganga nyo diyan? Ireport niyo sa pulis ang pagkawala ni Paula!" agad silang nagtakbuhan paalis sa harapan ko.


Napaupo ako at malalim na bumuntong hininga. Gusto kong magwala nang magwala dahil sa nararamdaman ko ngayon. Parang kanina lang, itinali ako ng buong klase, ang mga taong kilala ko mula noong first year pa ako, ang mga tao na akala ko ay mga kakampi ko. Paano nila nagawa sa akin iyon? Paano nila nagawa sa amin ni Sapphire iyon?


Lalo na yung gagong Austin na 'yun.  Pupuntahan ko sana siya mamaya kung hindi lang dahil sa nadatnan ko ngayon, nawawala ang nag-iisa kong kapatid. Ang masama pa, maari siyang atakin kahit anong oras. Sa oras na ito, hindi pa siya nakakainom ng gamot. Kaya sa susunod ko na lang reresbakan tong gagong Austin na 'to. Kung ano man ang kagaguhan na pinaplano niya ngayon, hindi ko ito nagugustuhan.


Langhiya. Napakamalas.


Tumayo ako at dumiretso sa kwarto. Tatawagan ko si mama't papa kahit na ayaw ko. Mukha kailangan nilang malaman ang tungkol sa pagkawala ng kapatid ko o kaya maaring kasama nila iyon. Hindi namin alam. Alam ko namang takot ang mga katulong na tawagan sila.


Ngunit bago pa magawa iyon ay napatingin muli ako sa phone ko. Iniwan ko ito at hindi dinala sa school kanina. Lecheng text message iyon, nagkada-leche leche ang buhay ko. Yung picture? Tsss. Ano bang alam nila?!


Ginawa ko lang iyon para kay Sapphire.


Lahat naman ng ginawa ko ay para lang kay Sapphire. Siguro, dahil utang ko sa kanya ang lahat, utang namin ang lahat sa kanya. Hindi man niya maalala. Hindi man importante sa kanya ang memorya na iyon, para sa amin, siya pa rin ang biyaya sa pamilya namin.


Kaya simula noon, nangako ako na poprotektahan ko siya kahit anong manyari. Ipagtatanggol ko siya kahit kanino. Gagawin ko ang lahat para kay Sapphire.

 

Dahil sa kanya, buhay pa kami ngayon.


Pero kanina, wala akong nagawa. Wala akong nagawa para protektahan ang Sapphire ko. Nasaktan siya, nalaman niya ang ginawa niya kay Miaka. Ang sikreto na tinago namin mula sa kanya.


Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Tangina, tas iiyak pa ko?! Inis na inis kong pinunasan ang mukha ko at pumunta sa gilid ng kama upang tumawag gamit ang telepono na nasa lamesa lamang.


Ngunit hindi ko na ito nagawa nang biglaang nagring ang phone ko. Sinagot ko naman agad ito. Isang tawag galing sa isang unknown number. Sino naman itong abala na 'to?

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon