Chapter 12: Her New Life

3K 86 5
                                    

"A new chapter of my life is about to begin."

💜Samantha's P.O.V.💜

Pagmulat ng aking mga mata, luminga-linga ako sa paligid ko isang napakagandang tanawin ang aking nakikita. Para akong nasa paraiso, may nagagandahang bulaklak na naka paikot ang ibat-ibang kulay na mga paru-paru.

Isang nakakamanghang lugar na ngayon ko lang nakita.

Wait a minute!

"Oh My Goodness! Where I am?!" Muntik ko ng makalimutan nag-transfer nga pala ako sa SHA at- 'yong si Kuya kinausap pa ako kanina.

"Nasaan ako?" Nilibot ko naman ang paningin sa buong paligid.

Gossh!

Nagpaikot-ikot ako nagbabaka-sakaling makita ko ang daan pabalik sa pinanggalingan ko kanina.

Nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo.

"Oh my! she's okay right?!"

"Ano kaba! Wag kang maingay baka magising si Ate."

"Ano kaba nandito nga tayo para bantayan at gisingin siya diba tapos sasabi--"

"Hey, guys! Tumahimik nga muna kayo, ang iingay niyo."

"Ayan na nagalit na si Ateng!" Nakarinig ako nang pagtawa.

May mga boses akong naririnig, dahan-dahan ko namang minulat ang mata ko.

"Girls, she's finally awake!"

Sa una puro liwanag lang ang nakita ko pero maya-maya din bumalik na 'yong iksaktong paningin ko puro puti ang nakikita ko, nasaan ako?

Nilibot ko ang paningin ko nakita ko na may tatlong babae na nakatayo sa harapan ko nakasuot sila ng damit pang nurse. Not a typical nurse uniform dahil may kakaiba pa itong desinyo. Pero sandali lang. Damit pang nurse? Ibig sabihin nasa hospital ako?Anong ginagawa ko dito?

Someone cleared her throat, kaya napabaling ako dito.

"Miss are you feeling well? May kakaiba ka pa bang nararamdaman?" Tanong naman nang isang may mahaba at straight na buhok, ang seryoso ng mukha niya.

Katabi niya naman yung dalawa isang may mahabang curly na buhok at ang babaeng may bangs na may mahabang kulay blonde na buhok din. Ang gaganda nilang tatlo.

"Miss, ayos ka na ba?" Tanong din sa akin ng my bangs with blonde hair.

Hindi katulad ng unang nagtanong sakin na emotionless, nakangiti naman siya.

"Ah yeah! Ayos na ang pakiramdam ko, salamat. Nasaan nga pala ako?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

"Girl hindi ba obvious nasa clinic ka-ouch!" Bigla naman siyang siniko nang babaeng curly ang buhok.

Tumawa naman ito.

"Pagpasensyahan muna siya loka-loka lang ang babaeng ito. Nahimatay ka daw kasi kanina sabi doon sa harap ng school gate, hmmm...by the way transferee ka no?" I just nod my head.

The Long Lost Twin Sister Of The Two Opposite Kingdom Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu