Chapter 25: A Bracelet and The Training

2.2K 57 6
                                    

💜Samantha's P.O.V💜

"Hey, Samantha! Sammy!" Sigaw ni Kate habang papasok sa kwarto ko grabe ang lakas ng boses niya.

Sabado ngayon wala sana kaming pasok rest day sana pero dahil sa magkakaroon kami ng training kaya hindi kami makakapagpahinga.

Kahapon sana ang training kaya lang may ginagawa ang mga guro kaya ngayon nalang itutuloy.

"Sammy, magtatraning kayo ngayon diba?" pagtatanong niya sakin habang may kinukulikot sa study table ko.

Anong ginagawa niya?

"Ahh, Oo." Sagot ko sa kanya habang inaayos ang hair pin na nasa buhok ko bigay sakin ni Nerissa to eh sabi niya suotin ko daw to palagi. Nakaharap ako sa study table na kung saan ang salamin nasa tabi ko si Kate naka upo rin.

Naka T-shirt ako na kulay white na may tatak na "Don't Me",  gray na pantalon at Nike shoes.

"Okay, ako magtatraining sayo ah!" Sabi niya bigla. Huh?!  Pero si Nerissa na ang magtatraining sakin eh.

Napakamot naman ako sa ulo ko.

"O-okay." Napipilitan kong sabi.

Iniwanan ko muna siya at lumabas ng kwarto ko naabutan kung busy sa pagbabasa ng libro si Kathleen sa living room at kumakain naman ng doughnut si Katherine.

"Hello Sam! pwedeng sumama ako sa training niyo mamaya?" Biglang tanong ni Katherine mukhang na pansin din ako ni Kathleen kaya tumingin siya sakin at ngumiti ng tipid. Ningitian ko din siya.

Nag nod lang ako kay Katherine sabay kuha ng baso at nilagyan ng tubig sa pitcher na nasa tabi niya. Bakit gusto nilang sumama sa training ko mamaya? Kinakabahan na ako tuloy baka tumalpak pa ako o ano.

"Gusto mo Sam?" Alok niya ng doughnut sakin umiling lang ako.

Bumalik ako sa kwarto at naabutan ko si Kate na naka upo sa kama at may hawak-hawak na pulseras, kuwintas? Kinikilatis niya pa.

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya.

"Pulseras, ang ganda ng disenyo at kulay oh!" Sabi niya sabay abot sakin ng pulseras na hawak niya.

Nagtataka ko namang tinanggap ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagtataka ko namang tinanggap ito.

"A-ano ito?" Tanong ko sa kanya habang nagtataka siyang tiningnan.

"Ay te! Paulit-ulit pulseras nga diba?Bracelet you know?!" Alam ko namang pulseras to. Napangiwi nalang ako dahil sa reaksyon niya.

"Alam ko, ang ibig kong sabihin ano to? Bakit sakin mo ibinigay hindi naman sakin to. " Sabi ko naman sa kanya.

"Hay nako! Sayo 'yan ibinigay ni Charmayne yong isa sa nagbantay sa'yo noong nasa clinic ka. Yung araw na nahimatay ka nalaglag mo raw ito sa bag mo paalis, kahapon niya lang ibinigay sakin hindi ka niya raw kasi nakita kahapon." Mahabang sabi niya. Ah!  Iyong isa sa tatlong babae doon sa Clinic na nagbantay sa akin. Wala ako kahapon kasama ko si Nerissa na hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala na isa akong Master at siya ang Protector ko at isa siyang werewolf.

The Long Lost Twin Sister Of The Two Opposite Kingdom Where stories live. Discover now