Chapter 71: Trying to Fix

1.4K 43 2
                                    

 'Life is like a fragile mirror vulnerable. It reflects who you are and what you really made of. Once it is broken no matter how much you try to put it together, you will end up crying."

••••

💛Surah's P.O.V💛


Lahat kami natigilan. Tumakbo si Samantha habang umiiyak. Nakakaawa siya. Tinawag pa siya ni Nerissa pero hindi niya ito nilingon. Nakita ko namang nagmamadaling umalis sina Joana.

'Saan naman kaya sila pupunta?'

Susunod na sana kami ng matigilan kami sa sigaw ni Jake.

"Kate!"

She fainted.

'Ano ba talagang nangyayari? Bakit nga ba ganon si Kate kay Sam?'

"Oh my god! Dalhin natin siya sa clinic." Nagpapanic naman na  sigaw ni Katherine.

"Hey! Calm down." Pinakalma naman siya ni Kaizen.

"A-ako na." Mukha namang napipilitang sabi ni Nerissa.

'Oo nga pala she's a Healer.'

Pero alam kung gusto niyang sundan si Sam.

"Go."

"Puntahan mo na si Sam alam kung kailangan ka niya. Dadalhin nalang namin
siya sa clinic." Suhesyon ko.

"A-ah... Sige." Paalam niya naman at nagmamadaling umalis.

"Tara na." Binuhat naman ni Jake si Kate.

Sumunod naman kami.

Ako, si Blake, Jake, Kiah at Cloud ang nandito sa loob ng clinic.

Pinauwi muna namin si Kathleen at Katherine para magpahinga sa dorm.

Wala kaming pasok dahil sa nangyari sana talaga maging maayos ang lahat.

Si Sam ang pinakanasasaktan ngayon. Alam kung ganon rin ang nararamdaman nina Kathleen.

"Kaya ko na siguro ang mag-isa dito. Pwede na kayong umalis." Napatingin naman kami kay Jake.

"Are you sure?" Tanong ko naman.

Tumango lang siya.

"Oh sige mauna na kami. Bilhan ka nalang namin ng pagkain sa Canteen." Napatingin naman ako kay Kiah.

"Ah...sige. Salamat." Jake.

"Una na kami." Paalam ni Cloud.

Tumango lang kami.

Lumabas siya kasama si Kiah.

Sa una talaga hindi ko sila gusto. Pero mukhang maayos naman sila at hindi manggugulo kaya kalaunan natanggap ko narin na kaibigan na nga namin sila. Pero meron paring bahagi ng pagkatao ko na sinasabing huwag sila agad pagkatiwalaan. Well I'm weird right? Hayaan na. As long wala silang ginagawang masama magiging maganda rin ang pakikitungo ko sa kanila. Dahil sa panahon ngayon kailangan mong alamin kung sino talaga ang dapat pagkatiwalaan at ang hindi.

I sigh.

Lalo na sa kanya. Bakit sa lahat ng Hearteries dito bakit sa kanya pa?

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at napagpasiyahan ko nang lumabas.

"I walk you to your dorm." Nagulat naman ako sa pagsulpot ni Blake sa tabi ko.

"Nandiyan ka pala."

"Of course masiyadong malalim ang iniisip mo kaya hindi mo ako napansin."

The Long Lost Twin Sister Of The Two Opposite Kingdom Where stories live. Discover now