Chapter 30: The Transferees

1.8K 44 2
                                    

Continuation in Chapter 29!

              💕Samantha💕

Pagkatapos kung mag-ayos ay agad din akong pumunta sa classroom ko.

May apat na palapag ang Stone Heart Academy sa ikaapat na palapag kung saan ang 4th year High School may tatlong section ang Lycien, Salvent at Assfar kada section mayroong dalawang classroom kung baga nahahati ang section sa dalawa, dalawang classroom sa Lycien ganon rin sa Salvent at Assfar mayroong 35 students kada classroom.

Sa ikatlong palapag naroon ang 3rd year high school sa ikalawang palapag naroon ang 2nd year at 1st year at sa unang palapag naroon ang mga laboratories,training center, training room,detention room,cafeteria,library at kung ano-ano pa sa ikaapat na palapag sa pinakadulo ang Head Master Office, Teacher's office at ang Royalties Special Room.

At ang dormitories building naman ay nasa kanan ang Girl's Dormitories at sa kaliwa ang Boys Dormitories nasa gitna nito ang Stone Heart Building.

Magkahalo na ang mga students sa Dormitory Assfar, Lycien at Salvent pinagsama-sama nila sa isang kwarto wala ng discrimination na nagaganap hanggang 2nd floor lang ang dormitories at may elevator din na nakalagay sa bawat palapag except sa unang palapag magkaiba ang para sa Lycien,Salvent, Assfar at sa mga Guro.

Nasa corridor palang ako nang matanawan ko si Nerissa na madaming librong dala.

Wow! Ang sipag niyang mag-aral dalawang  libro at makapal pa.

"Nerissa, bakit ang dami mong dalang libro? May test ba tayo? Ang galing naman ikaw na masipag." Sunod-sunod kung sabi at kinuha ang isang librong dala niya mukhang nabibigatan na siya sa dala niya eh.

Nginiwian niya ako at saka nilagay ang isa pang libro.

Muntik pa akong matumba dahil sa bigat ng mga libro niya.Wow!tumulong lang ako tapos ako ang pinabitbit?

"Ang bigat naman nito?Bakit ka nagdadala ng mga librong kasing kapal ng world history?Babasahin mong lahat to?!" Aishhh...makukuba ako nito eh!

Tiningnan niya naman ako.

"Anong ako? Ikaw ang babasa niyan, tara na malalate na tayo." Sabi niya sabay lakad at pasok sa elevator.

Huh?!

Anong? Anong ako?!!! Anong kinalaman ko sa pagbabasa ng libro nato? Seryoso? Eh Hindi nga ako nagbabasa ng mga librong hanggang 50 pages lang tapos papabasahin niya ako ng librong malaki na makapal pa.

"Sam, papasok ka oh tutunga-nga kalang diyan? Hindi ka nabibigatan sa dala mo?Umpisahan mo yang basahin mamayang Launch time." Sabi niya naman sakin natulala pala ako.

Huhuhu... My god! Nagjoke-joke kalang Nerissa diba?

***

Pumasok ako sa loob nang classroom na nakakunot ang noo huhuhu... Anong klaseng libro to na kailangan kung basahin?

Psh! Umupo naman ako sa upuan ko kung saan katabi ko si Nerissa nahagip pa ng mata ko ang mapanuya at masasamang tingin sakin ng ibang kaklase ko hmmpp... Hindi ko naman sila inaano pero kung makatitig sakin wagas haysstt... Masiyado ba kung maganda para tumitig sila sakin ng ganyan? Okay Sam idaan mo nalang sa biro.

The Long Lost Twin Sister Of The Two Opposite Kingdom Where stories live. Discover now