Chapter 88 : Lady in Black

1.1K 34 7
                                    

=Flashback=

💜Samantha's P.O.V💜

Sa malalim na gabi ay naalimpungatan ako, tiningnan ko mga ang katabi ko na mahimbing na natutulog sina Kate at Jessa, tiningnan ko naman ang sugat nito kung dumudugo ngunit maayos naman ito. Dito muna kami nagpalipas nang gabi sa bahay nang tagabantay nitong kagubatan. I heard from Kate that the owner of  this  house is the one that they called the witch of Wicca Forest. Huhuhu...witch daw? Eh bakit ang himbing-himbing nang tulog nila parang hindi manlang sila nababahala na nasa bahay kami nang isang mangkukulam?!!! Oh m g! Sam! Yung bunganga mo, ang tabil nang dila mo!

Tumingin naman ako sa ilalim nitong kama na gawa sa kahoy na hinihigaan namin. Magkatabi sina Cloud, Kurt at Ethan na mahimbing ang pagkakatulog Pffttt...para silang mga tuod kung matulog talagang tuwid na tuwid naka cross arm pa si Kurt napapailing na lang ako buti't nakayanan niyang matulog sa sahig knowing na prinsepe siya. Dahan-dahan naman akong bumaba sa hinihigaan ko nang walang ingay. Nang makarating ako sa pinto nitong kwarto ay maingat kung binuksan ito. Napabuga naman ako nang hangin ng sa wakas ay nakalabas ako.

"Bakit ka lumabas hindi ka ba makatulog?"

"Ahhh...gosh!" Impit at pigil hininga akong tumili dahil sa gulat.

Mabilis naman akong napalingon sa kanya.

"Heee—heeello po." Napapalunok kong bati sa kanya.

Waaahhh....muntik na akong himatayin.

Seryoso naman siyang tumitig sa akin.

Lumunok muna ako bago tumayo nang maayos.

"I-iinom lang po sana ako nang t-tubig." Oh shocks! Nauutal ko pang sabi.

Huhuhu...sana talaga di na lang ako lumabas yan kasi! Ikaw kasi Samantha!

"Tara dito sa kusina." Nagdadalawang isip pa ako kung susunod sa kanya o hindi?

Dahan-dahan naman akong naglakad para sundan siya.

"Umupo ka muna." Alok niya naman nang silya sa akin.

"Ah...opo. S-salamat po." Nahihiya at kinakabahan kong sabi.

"Ito. Inumin mo." Binigay niya sa akin ang basong may laman na tubig.

"S-salamat." Dali-dali ko naman itong kinuha at ininom.

"Samantha ang pangalan mo, tama?" Napapaangat at napatigil naman ako sa pag-inom nang magsalita siya.

"O-oho. Samantha Alliyah." Pinilit kong hindi mautal.

"Napakagandang pangalan. Nababagay lamang sa iyo." Hindi ko alam kong ano ang sasabihin. Seryoso parin ang kanyang mukha pati narin ang kanyang boses.

The Long Lost Twin Sister Of The Two Opposite Kingdom Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora