Chapter 9: Death

3.3K 94 17
                                    


“Life is a sweet lie and death is a bitter truth.”

💙Hannah's P.O.V.💙

Dalawang araw na ang nakalipas noong nangyari sa mall sabi ng doctor napagod lang daw ako dahilan kung bakit ako nahimatay.

Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang nangyari sa panaginip ko.

"Before you gone I want to say that people around you are wearing a masks."

Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip kung iyon?

Bukas na pala ako papasok sa paaralan, nandito ako ngayon sa loob ng kuwarto wala akong ganang lumabas kaya ito ako ngayon nakahiga sa kama habang nagbabasa ng libro.

"Aishh!! Nakakabagot!" Sigaw ko sabay gulong-gulong sa kama ko na parang nababaliw na.

*Kinabukasan*

Nagawa ko na ang morning routine ko dahil maaga pa ay nagising na ako, ako narin ang naghanda ng agahan namin ni Mama basic lang naman ang niluto ko bacon, hotdog, egg, toasted bread and fried rice oh diba masarap.

"Mukhang masarap iyang mga niluto mo anak ah!" Napalingon ako sa likuran ko si Mama pala lumapit ako a kaniya at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.

"Good morning Ma! oo naman masarap talaga yan, niluto ko yan ng may pagmamahal." With confident kong sabi kay Mama.

Natawa lang si Mama sa sinabi ko. "Oh, s'ya tama na iyan kumain na tayo baka lumamig pa itong mga niluto mo." Nakangiting sabi ni Mama sabay hila sa upuan.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang matapos kami.

"Ako na ang magliligpit nito baka malate kapa." Tumango  naman ako."Thanks Ma!mauna na po ako, babawi po ako sa susunod hehehe..." Sabay halik ko sa magkabilang pisngi n'ya.

"Ingat ka ha umuwi ka ng maaga ipagluluto kita ng paborito mong adobo!"pahabol sa akin ni Mama.

"Wow! talaga ba Ma, oo naman uuwi talaga ako ng maaga saan pa po ba ako pupunta?" Favorite ko kaya 'yon, si Mama kaya ang the best cook sobrang sarap kaya ng adobo n'ya.

"Oh, sige na at baka malate ka pa . " Pahabol niya pa ulit.

"Bye po, love you! " At tuluyan na nga akong lumabas ng bahay, napagdesisyonan ko nalang na maglakad habang naglalakad ako merong sasakyan na huminto sa harapan ko.

"Hey Hannah!" Napahinto at napalingon naman ako sa tumawag sa akin, napatingin ako sa taong kumakaway sa loob ng sasakyan.

"Teka lang E-Ethan?" Hindi ako sure kung siya talaga iyon, hindi ko kasi makita ng maayos ang mukha niya.

The Long Lost Twin Sister Of The Two Opposite Kingdom Where stories live. Discover now