Chapter 50: Truth Hurts but it Helps

Start from the beginning
                                    

Napasailalim na si Era sa kapangyarihan ni Drack.Nung time na bumuo palang sila ng kaharian hanggang sa mag-kaanak na sila, puting mago pa rin si Era non dahil nga galing siya sa mga puting magong lahi. Pero nakipagkasunduan si Drack kay Ladya, ang pinakamatandang mangkukulam sa panahon ngayon. Humingi si Drack kay Ladya ng lason na makakapagbago ng lahat sa isang puting mago at ito'y magiging ganap na isang itim na mago. Ang tawag sa lasong iyon ay velperessroma galing sa lengguwaheng italyan na nangangahulugang

Vel short word for Veleno nangangahulugang = Lason

Per nangangahulugang= para

Ess short word for Essere nangangahulugang= maging

Ro is short word for Nero nangangahulugang = itim

Ma is short word for Mago nangangahulugang= Magian/Mago

"Kapag nasaksakan ka ng inheksyon na may lamang VelPerEssRoMa makokontrol kana habang buhay ng nagsaksak sayo at habang buhay ka na rin susunod ng di mo namamalayan pero di ko alam ang lunas sa VelPerEssRoMa si Ladya lang ang nakakaalam ng lunas dahil siya ang nakalikha nito.Nung mismong turukan si Era ng lasong iyon, sumugod na sila sa Celestial Kingdom sa mismong kaarawan at kapangakan mo apo.Dinala ka ni Evergreen sa mortal world kaso dahil sa humahabol kay Evergreen na mga kalaban nataman siya sa dibdib ng palaso pero pumunta pa rin si Evergreen sa mortal world pero di na siya umabot sa pagdadalhan niya ng sanggol buti nalang at sumunod si Olivia sa inyo ni Evergreen at binilinan ni Evergreen si Olivia kung kanino ka dadalhin kaya nag-anyong tao ang Goddess of Power na si Olivia at ginaya niya ang itsura ni Evergreen at ibinigay ka niya kay Ericka----"

"Si Auntie?!" Tumango si Lola, so kasinungalingan lahat ng sinabi niya na nakuha lang niya ko sa gubat? Ang totoo niyan ay ibinigay talaga ako sa kanya nung Evergreen? So may kapangyarihan rin si Auntie?

"Oo tama ka, puting mago rin si Ericka .Isa siyang guro dati sa Magian Academy.At ang anak niya na si Elissay ay itim na mago. Dahil nakapangasawa si Ericka ng isa sa mga alagad ni Drack kaya nagbunga ito na isang itim na mago na sanggol.Balik tayo sa pagbigay ni Evergreen sayo kay Ericka. Si Evergreen ang katiwala ni Alicia sa Kaharian noon. Teleportation at Augmentation ang kapangyarihan niya, dahil nga malakas siya napili siyang maging katiwala ni Alicia.Binigay ka ni Evergreen kay Ericka yung akala mong inaapi ka dati ni Ericka nung musmos ka pa lamang?hindi iyon totoo pinalitan lang ng isang memory manipulator ang ala-ala mo para di mo malaman ang mga nakikita mong kapangyarihan kay Elissay at Ericka noon. Nung bago ka sinabihan ni Ericka na di kana mag aaral pa, doon siya mismo nagbago dahil sa sapilitang itinurok ni Drack na VelPerEssRoMa nung nasa eskwelahan ka kay Ericka at sinabi ni Drack na hinihintay ka niya na mag 17 taong gulang dahil doon ka niya mismo kukuhanin.Walang nagawa si Ericka at nakontrol na siya ng lasong itinurok sa kanya, ang lasong iyon ang dahilan kung ba't lagi sayong galit si Ericka.Pero nung sinampal mo siya nung may nabasag ka, doon siya mismo natauhan. Yung mga oras na yon may lumabas na kapangyarihan sa kamay mo kaya siya natauhan. Pero dahil sa kaligtasan mo naggalit-galitan pa rin siya para umalis kana sa bahay nila dahil parating na ang dark magian doon para kunin kana.Gumawa lang ng kwento si Ericka kay Drack na nasa trabaho kapa pero lumipas ang ilang oras di ka pa dumadating sa bahay nila Ericka.Nagalit si Drack at pinatay si Ericka nung mismong gabi rin na 'yon"

Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na mabait talaga si Auntie.Kaya pala nakatatak sa isipan ko na maldita siya at laging nang uutos dahil sa lintek na memory manipulator na 'yon.

Namatay si Auntie dahil sa akin para lang mailigtas ako, biglang nagtuluan ang mga luha ko at may biglang may pumasok na eksena sa harap ko.

Nakita ko ang sarili ko na nakaupo sa dati kong eskwelahan sa Rizal Academy.

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess (ON-HOLD)Where stories live. Discover now